"magkano po?"
Tanong ko habang namimili ng kangkong. Kailangan fresh para masarap...iluto
"Limang piso, isang tali" sagot ng tindera. Kumuha ako ng apat na tali at inabot sa kanya. Magsi-sinigang daw si tita bukas sabi ni Geun
"Etong labanos pa" tumingin ako kay Geun na masuring tinitingnan ang mga labanos. Nakabilis na kami ng karne at ilan pang kailangang bilhin at siya lahat ang may buhat
"Para kang yayo" natatawang saad ko.
Tumingin siya sa'kin at ngumuso " okay lang, handa naman akong pagsilbihan ka"
Pinaikot ko ang mata ko bago kumuha ng talong
"Eto po" abot ko sa tindera. Nagbayad na kami at umalis sa gulayan
"Kumpleto na" giit ni Geun habang nagche- check sa listahan. Saan niya nakuha 'yong ballpen? Magic
"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong ko. Sinuot ko na ang shades ko dahil tirik na tirik ang araw
"Bumili ako" sagot niya bago pinasok sa bulsa ang ballpen at papel. Sinuot niya rin ang shades at naunang lumakas kaya sinundan ko na lang
Akala mo naman ay alam niya ang daan
Tumigil ako sa paglalakad nang bigla siyang humarap sa'kin, "Saan nga pala tayo?"
"Lakas ng loob na mauna, hindi naman pala alam kung saan pupunta" mataray na saad ko tsaka siya nilagpasan
"Bitch mode on" rinig kong saad niya ngunit hindi ko na lang pinansin
Bitch mo, mukha mo
Pumunta ako sa isang souvenir shop at tumungo ako sa mga bracelets at hikaw. Alam kong nakasunod si Geun sa akin pero hindi ko na lang pinansin
Kumuha ako ng apat na pares ng hikaw, isang bracelet at panyo. Tumingin ako sa likod ngunit wala na si Geun, siguro ay bumili na. Tumungo ako sa tindera para magbayad pero hindi ko alam kung magbabayad pa ba ako dahil nakikipag-usap ang babae kay Geun
Saya ng mukha ah, palungkutin ko kaya?
Umubo ako dahilan para makuha ko ang atensyon nila.
Landi pa more, Geun
"Ay magandang araw po" bati ng babae habang nakangiti
"Babayaran ko na 'to" saad ko at inabot sa kanya ang mga gamit. Kinuha naman niya iyon. Binigay din ni Geun ang binili niya
"Sir? May discount po kami" malanding sabi ng babae. Bata pa lang siya, mukhang mas bata pa sa'min
"Talaga?" Natatawang saad naman ni Geun
"Opo, lalo na at pogi kayo" malanding sabi muli ng babae. Napataas naman ang isa kong kilay
"Baka naman malugi kayo niyan" mataray na saad ko. Yumuko ang babae at pinagpatuloy ang ginagawa niya
"Eto pi 'yong iyo, ma'am" binigay sa'kin ng babae ang plastik kaya naglabas na ako ng pera. Aabutin ko na sana nang biglang hinawakan ni Geun ang kamay ko
"Sorry, red tide kasi girlfriend ko ngayon e"
Napatingin na lang ako sa kanya habang siya na ang nagbayad sa lahat
Mas nakakainis 'yong red tide kaysa sa girlfriend
"Girlfriend niyo po pala siya" dismayadong saad ng babae tsaka niya binigay ang plastik kay Geun
Nauna na akong lumabas at kasunod siya. Nang makaalis kami roon ay agad ko siyang binatukan.
Loko talaga, hayop talaga

BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...