"uuwi po ako bukas"
I said before Tita Elsa ended the call. I sat on the edge of the bed while typing on my phone. Sinusubukan kong ichat si dad pero hindi man lang ako nirereplyan
Tita Elsa told me that my dad badly needs me. He kept shouting the name of my mom. I hate seeing my dad like that. It's fuckin' hurt
Kailangan ko talagang pumunta roon, kailangan kong makita si dad
"Laura" I heard Geun called my name. I looked at him and gave him a smile
"Pwede bang lumabas ka muna?" Tanong ko. Bumuntong- hininga muna siya bago tumungo
"Nasa baba lang ako" he said before going out
Humiga maman ako sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan.
Hindi ba talaga pwedeng magpahinga na lang ako? Wala naman akong ginagawa pero bakit tila sobrang pagod ako?
Nagsimulang pumatak ang luha ko at hinayaan ko na lang iyon
Ang sakit alalahanin ang lahat, sobrang sakit. Nawala si mom at hindi ko na kaya kapag nawala pa si dad
Dati, tinutulungan pa ako ni dad na gumawa ng tent tapos si mom naman ay nagluluto ng sinigang. We traveled before and shared a beautiful moments. If I could go back to those days, I will make them more happier
Pero hindi ako naging handa sa paparating na sakit
Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ang sarili na matulog. Kapag natutulog ako, nawawala lahat pansamantala
"Dapat kape tinimpla mo"
"Gabi na kaya dapat gatas"
"Edi sana kape at gatas ang tinimpla niyo"
Dahan- dahan kong binuksan ang mata ko nang makarinig ako ng parang mga nagbubulungan. Nakita ko sila Kyle, Ashley at Geun sa gilid ng kama. May hawak pang baso ng gatas si Geun
"Gising ka na?" Tanong ni Geun
"Ate,dinner is ready" giit naman ni Ashley na nakayakap sa braso ng kuya niya. Umupo ako at inabot sa akin ni Geun ang baso kaya naman tinanggap ko iyon ay ininom
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong muli niya at tumango ako
I looked at the wall clock and it's already 7:28 pm. Jusko, baka hindi na ako magising ng maaga bukas. Bumaba ako sa kama at pumasok sa CR habang sinusundan ako ng tatlong pares ng mata. Naligo ako at nagsuot ng damit pantulog para diretso tulog na ako dahil maaga pa ang flight. Naabutan ko sila Kyle at Ashley na naghahanda ng pagkain sa mesa pero hindi ko nakita si Geun
Nasaan na siya?
"Umuwi na si Geun, may aasikasuhin daw." Giit ni Kyle nang mapansin niya na hinahanap ko ang lalaking 'yon. Umupo ako at tumabi naman sa akin si Ashley habang katapat namin si Kyle
"Maaga ang flight ko bukas tsaka baka abutin ako ng one week sa Bohol" saad ko habang naglalagay ng kanina sa plato. Adobong manok ang ulam
Malamang si Kyle ang nagluto nito.
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang dahil siguro sa nangyari kanina. Pagkatapos ay ako na ang naghugas ng pinggan samantalang pumunta na si Ashley sa kwarto at nanonood ng TV si Kyle sa sala
"Laura" tawag ni Kyle nang makaupo ako sa kabilang sofa
"Oh?"
"Are you ok?"
I looked at him and gave him a nod. I need to be okay.
"Sure?"
"Oo, baliw ka" natatawang saad ko bago humiga sa sofa at nanood ng TV
BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...