"so, you are a teacher?"
Tumatango-tango pa si Gillian habang sinasabi iyon. Nasa restaurant kami dahil nag-aya si Gillian na kumain. Tinanggap ko naman iyon dahil baka isipin niya na wala akong respeto
"Alam mo bang lagi kang kinukwento ni Geun" nakangiting dagdag ni Gillian. Tiningnan ko naman si Geun na nakangiting kumakain
"Really? Anong mga sinasabi niya?" Nakangiting tanong ko
"Like how much he loves you" kinikilig na saad niya. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain
Akala ko noong una ay hindi friendly si Gillian at magiging karibal ko pa kay Geun pero iba naman pala siya. Sobrang jolly niya though medyo kinakabahan pa rin ako
"Kumusta kayo ni Jacob?" Napatingin ako kay Geun nang sinabi niya iyon. Maraming Jacob sa mundo pero malay ko ba kung ang pinsan ni Maria ang tinutukoy niya
"Malabo" nakangiwing sagot ni Gillian. Tumingin ako sa kanya
"Jacob Milton?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Tumango naman siya ng dahan-dahan
"I thought, he's single" I said and she smiled
"Yes, he is. May something lang kami" she said and I nodded
They were both chefs, baka nagkakilala sila kasi same sila ng profession
"Kilala mo pala siya"
"Yeah, he is my friend's cousin" I smiled
Grabe, pinagseselosan ko pa 'tong Gillian na 'to e may iba naman palang gusto. Kung may something sila, bakit pa nagha- hi sa akin si Jacob sa ig. Dibale, we are friends kaya walang malisya
Mabilis kaming natapos sa pagkain ngunit nanatili muna kami sa restaurant para magpahinga
"Laura, visit me naman sa restaurant ko. Alam ni Geun iyon. I want to catch up with you" she said softly
I smiled, " sure"
I looked at Geun who was busy on his phone
"Sige, I need to go. Bye, Laura. See you next time" she stook up so I did the same. She offered her hands so I accepted it
"Hoy, Geun. Aalis na ako" natatawang saad niya at nginitian lang siya ni Geun at tumayo
"Ingatan mo si Laura, Bye" nakangiting saad niya. Bumeso muna ako bago siya sinamahan palabas ng resto
"Akala mo may chance ka kay Jacob, no? Akin ka lang kasi" binalingan ko ng tingin si Geun na seryosong nakatingin sa'kin
"Ha?"
"Hot air"
Tinarayan ko na lang siya. Bumabalik na naman ang pagiging pilosopo niya. Sarap kaltukan
"Saan na tayo?" Tanong ko. Tumingin muli siya sa akin ng seryoso
"Uuwi na. Bakit? May iba ka pa bang gustong puntahan?" Kinunutan ko siya ng noo sa sinabi niya ngunit mabilis ko ng naintindihan kung bakit siya gano'n
Ngumisi ako, "mayroon talaga"
Iniisip niya siguro na apektado ako about sa status ni Jacob
"Saan? Sa Jacob mo?" Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya
"Paano mo nalaman?" Nagkunwari akong nagulat. It's my time, Geun.
Umigting ang panga niya at tiningnan ako ng diretso
Boom, pikon!
"Pumunta ka mag-isa. Mag-enjoy kayo, ha" seryosong saad niya bago ako nilagpasan

BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...