19

22 5 1
                                    

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nang makatanggap ako ng message mula kay Geun. Natanaw ko agad ang nakaparadang kotse ni Geun nang makalabas ako sa gate. Mabilis akong tumakbo sa kanya at sinalubong naman niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you" bulong ko. Hinalikan naman niya ako sa noo at ngumiti

"I miss you more" nakangiting saad niya

Hindi kasi kami nagkita ni Geun ng dalawang araw dahil tinapos na ni Geun ang lahat ng kailangan niyang tapusin. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapagtrabaho nang maayos lalo na at katrabaho niya si Engineer Tiangco

Nang makita ni Geun ang papel at nakwento ko sa kanya ang lahat ay mas lalo pa siyang humigpit sa akin. Hindi naman iyon nakakasakal dahil may privacy pa naman ako. Nagtatanong lang naman siya kung nasaan ako, kumakain at kung lumalapit pa sa akin si Engineer Tiangco

"Lets go, hon" aya ni Geun. Pinapasok niya ako sa kotse niya at gayon din siya

We are going to amusement park. Tinapos ko na talaga ang lahat ng gagawin ko kagabi para makasama ko siya ngayon

"Ready to go, hon?" Sigaw niya. Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko na parang bata

"Lets go" sigaw ko. Napuno ng tawanan ang kotse dahil para lang kaming mga bata na excited na pumunta sa amusement park

Mabilis kaming nakarating sa amusement park, kapag talaga nagka- anak kami ay dito ko siya dadalhin

"Anong iniisip mo?" Tumingin ako kay Geun. Bumibili kasi kami ng cotton candy

Ngumiti ako, "Future"

Ngumiti rin si Geun, " kapag nagkababy tayo, dalhin natin dito"

Mas lalong lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya. Parehas pala kami ng iniisip at nakakakilig dahil kasama ako sa future plans niya

Binigay sa akin ni Geun ang cotton candy at agad na kaming nagtungo sa bump car. Si Geun ang bumili ng ticket habang hinihintay ko siya at kumakain ng cotton candy

"Are you ready to be a loser, hon?" Bulong niya. Tinarayan ko lang siya bago pumasok sa loob

Ako pa talaga ang hinamon ng loko

Magkaiba kami ng car ni Geun, akala mo ay magba- boxing kami dahil sa titigan namin. Nang magsimula na at agad akong binangga ni Geun. Ayaw talagang magpatalo ng hayop. Napasigaw  ako nang binangga niya ulit ako

"Hon, always remember that I love you" sigaw niya na may halong tawa. Love raw ako pero binubunggo ako, charot.

Tumigil naman si Geun kaya kinuha ko na iyon at binunggo siya. Alam kong tumigil talaga siya para makaganti ako pero isang beses lang 'yon dahil sunod- sunod na ang bunggo niya sa akin.

"Hello, loser" sigaw ni Geun nang makalabas ako. Nauna siyang lumabas kanina at pinagtatawanan ako ng loko dahil isang beses ko lang siyang nabunggo

Ang lakas kasi niyang bumunggo kaya hindi ako nakapaghiganti ako

Nilagpasan ko lang siya at tumungo sa stall para bumili ng tubig, kasunod ko naman ang tumatawang si Geun

"Libre kitang chicken wings" bulong niya. Hindi ako magpapabitag sayo.

Huwag kang marupok, Laura 

Hindi ko siya nilingon at uminom na lang ako ng tubig

"Hindi ko naman kasalanan kung talo ka, dapat ginalingan mo" bulong niya. Pinairap ko naman ang mata ko, buset 'tong hayop na 'to, ako pa ang sinisi

Napasinghap ako nang biglang niyakap ako ni Geun mula sa likod

"I'll treat you, winner" bulong niya sa pinaka-sexy na boses

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon