09

53 9 5
                                    

"ang layo pa ng nilakbay mo, ha"

Natatawang saad ni dad. Nakaupo si Geun sa tabi ko at kasabay namin kumain. I didn't expect it. Lintek, I massaged my temple first before starting to eat again. I lost my apettite

I hate you, Geun

"Kumusta ka naman, iho?" Tanong ni Tito Roi. Hinayaan ko na lang silang mag-usap. They are all aware that Geun and I aren't together so I knew that they didn't expect to see him here

Nakapunta na rito si Geun noon at gustong gusto siya nila mom at dad, pati na rin sila Tita at Tita kaya nagulat sila nang nalaman nilang wala na kami. Hindi ko naman sinabi ang rason

"Maayos naman ho" nakangiting saad niya

Tsk, stapler lang naman katapat ng labi mo e

Gosh, gusto kong manapak

"Kumain ka ng marami, nakakapagod ang byahe" giit ni tita Elsa

"Lau, lagyan mo ng kanin ang plato ni Geun" utos ni dad

What the hell?

Kinuha ko ang kanin at nilagay iyon sa plato niya. Nakangiti naman siya na tila ba nang- aasar

"Eat well" sarkastikong saad ko

"Gusto mo pa ng kaldereta?" He smirked. I rolled my eyes and nodded

Ayokong makipag-away sa harapan ng pagkain

Kinuha ni Geun ang ulam at halos mapuno ng ulam ang plato ko. Tumingin ako sa kanya ngunit nakanguso lang siya

Kaltukan ko kaya 'to?

"Ang sweet" kinikilig na saad ni Erika. Binigyan ko lang siya ng isang pekeng ngiti at bumaling na sa kinakain ko

Fuck you, Geun

"Ganyan din kami dati" nakangiting saad ni dad. Miss niya na si mom

Kumain lang ako ng tahimik samantalang masaya naman silang nagkwe-kwentuhan, nakikisali pa si dad sa tawanan

May maganda rin palang dulot ang pagpunta niya rito

Pagkatapos naming kumain ay umakyat si dad sa kwarto niya kasama si Geun samantalang dumiretso na ako sa guest room. Humiga ako roon at pinikit ang mata. Nakakapagod ang byahe tapos may dumating pang stress.

Kinagabihan ay nagising ako. Bumaba ako at nakita kong nagluluto sila Tita at Erika ng ulam at naglalaro naman sila dad at tito ng chess

Asan siya?

"Dad" tumingin naman sa'kin si dad at ngumiti

"Nasa bakuran siya" he said

Hindi pa nga ako nagtatanong. Tumango lang ako bago tumungo sa bakuran. Nakita ko siyang nakaupo sa duyan habang nakatingala kung saan makikita mo ang mga bituin

He looks so handsome, his jaw line, his nose and his thick eyebrow

I love you, Geun and I hate myself for hurting you

"Geun"

He looked at me and I saw how swollen his eyes are. I walked towards him and sat besides him

"Bakit ka nandito?" I asked but he just looked down. I saw a tear fell from his eyes

Bakit siya umiiyak?

"I'm sorry" he said in the middle of crying"

Bakit siya nagso-sorry? Ano bang nangyari kanina?

Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit may parte sa'kin na hindi ko dapat gawin

"I'm sorry" he said again

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon