11

35 8 0
                                    

"walang hiya ka "

Sigaw ko at hinagisan ng buhangin si Geun na tumatakbo papalayo sa'kin. Tulakin ba nama  ako kaya nadapa tuloy ako

"Ang sweet" kinikig na saad ni Erika. Tinulungan naman niya akong tumayo kaya pinagpag ko ang damit ko

Sayang outfit

"Ate, wala na ba talaga siyang chance? Sayang kasi talaga" binalingan ko ng tingin si Erika na tila naghihintay ng sagot ko. Nagkibit-balikat na lamang ako

Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang magbigay ulit ng chance

"Tara na lang sa cottage" pag-aaya ko. Pumunta kami sa cottage kung nasaan sina dad at tita, nag-aayos sila roon kasama ang dalawang kasambahay

" 'nak, bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong ni dad

"Magbibihis na po ako" ika ko tsaka kinuha ang bag. Tumungo ako sa isang public restroom at doon nagbihis

I was wearing two piece black strappy swim suit and a shades. Nilugay ko rin ang itim kong buhok, mabuti na lang at kinulot ko iyon kanina kaya magandang tingnan

Paglabas ko ay nagtitinginan sa'kin ang iba, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Don't worry guys, bibisita ulit ako rito para makita niyo ako ulit

Bumalik ako sa cottage at halos mamatay na ako sa sama ng tingin ni Geun, may hawak din siyang balabal

Saan niya naman nakuha 'yon?

"Ang ganda naman ng anak ko" puri ni dad

Ngumiti ako, "syempre po, mana kay mom"

"Oo nga at kamukha mo ang nanay mo" ani ni Tito Roi

"Dad, doon lang ho ako, ha" paalam ko at masaya naman siyang tumango maging si tita. Kinuha ko ang phone ko at tumakbo patungo sa dagat

Gusto kong magpicture kaso wala si Kyle kaya walang kukuha sa'kin ng litrato

Dapat talaga ay sumama siya

"Laura" tumingin ako sa likod at nakita ko si Geun na topless, tanging trunk short lang ang suot at naka-shades din

"Gaya-gaya ka talaga, pati sa shades" singhal ko

"Ikaw lang ba ang nay karapatan na magshades?" Masungit ba tanong niya

"Edi wow na lang" singhal kk tsaka tumalikod

Ang ganda talaga

May white sand ang Alona Beach at mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang mga magagandang bato

"Prinsesa talaga ng mga shokoy" natatawang saad niya tsaka siya tumayo sa tabi ko at pinagmasdan ang dagat

Nilabas ko ang phone at nagsimulang magpicture, ang dagat lang ang kinuhanan ko

"Akin na ang phone mo" utos niya na sinunod ko naman. Malamang ay kukuhanan niya ako ng litrato

"Bata, alis ka muna dyan" pagtataboy ni Geun sa mga batang naglalaro ng buhangin. Loko talaga

"Ayos na ha, ayusin mo ang pose mo" utos niya. Tinarayan ko muna siya bago sundin. Naka-ilang pictures din kami tapos siya naman ang kinuhaan ko ng litrato

His broad shoulder makes him so hot. Fuck, Geun is fuckin' gorgeous

"Hon, lets take a pic"

Wait? Ha? Hon?

"Hon" tawag muli niya

Oo nga pala, 'yong favor niya kagabi. Naalala pa pala niya iyon?

Lumapit ako sa kanya at nagpicture kami. We looked like a couple

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon