13

40 9 6
                                    

"magpantalon ka na lang"

Hinagis sa'kin ni Geun ang pantalon. Walanghiya talaga. Nakahiga siya sa kama kung saan nakakalat ang lahat ng damit ko. Inaya niya kasi akong mag-unli wings kaya pumayag na ako

"Ayoko" nakangusong saad ko tsaka hinagis sa kanya ang pantalon

Ang init-init tapos magpapantalon ako.

"E ano susuotin mo?"

"Panty" pang-aasar ko at tinarayan niya lang ako.

"Mag-jacket ka" natatawang saad niya

"Bakit hindi mo gawin?" Mataray na saad ko bago kumuha ng damit at tumakbo papasok sa CR. Nagsuot ako ng grey cloth shirt with white top at naka- high ponytail din ako

Pagkalaba ko ng CR ay nakita ko si Geun na inaayos na ang mga damit ko

My yayo is back

"Ikli" seryosong saad niya at inirapan ko siya

"Kaya nga skirt, e"

"May mahabang skirt " depensa naman niya

Hindi ko na lang siya sinagot. Maraming pang-rebat ang lalaking 'to. Mas lumala pa nga siya ngayon kaysa noong high school kami

Kinuha ko ang bag sa kama at naunang lumabas, kasunod si Geun. Naabutan naman namin si Kyle na naghahanda na para pumasok

"Aalis na rin kayo?" Tanong niya

Pinaikot ko naman ang mata ko, " obvious ba?"

Nagkatingin naman silang dalawa, " Nireregla ka?"

"Ay, wow. Pinagpraktisan?" Ani ko. Sabay na sabay talaga ang loko na magsalita ha. Nauna na akong lumabas habang nagtatawanan ang dalawang balbon

"Pre, hindi mo magagalaw" rinig kong saad ni Kyle. Ang baboy talaga. Lumabas na rin sila at piningot ko si Kyle, napangiwi naman siya sa sakit

"Baboy ka talaga!" Singhal ko bago siya pinakawalan

"Problema mo?" Inosenteng tanong niya habang hawak ang tainga na piningot ko

"Anong hindi magalaw?"

"Hindi ka magagalaw, hindi mahahawakan parang ganito"

Nagulat ako nang bigla akong tinulak ni Kyle, mabuti na lang at sa dibdib ako ni Geun tumama

"Ay pre, nagagalaw pa 'to" natatawang saad ni Kyle. Tumawa rin si Geun kaya inirapan ko sila

Mahirap talaga kapag pinagsama 'tong dalawa, mamumuti agad ang buhok ko

Nauna na akong lumabas sa gate, kasunod sila na patuloy lang sa pagtawa. Kotse ni Geun ang gagamitin namin at nakaparada iyon sa labas

"Una na kami" paalam ni Geun

Lumapit sa'kin si Kyle kaya humalik na ako sa pisngi niya. Sweet naman ako, hindi lang halata.

"Mag-ingat kayo" giit niya. Nag-apir muna ang dalawa bago ako pinapasok ni Geun sa kotse

Nauna kaming umalis ni Geun at halos mapunit na ang mukha niya sa kakangisi

Hinarap ko siya, " problema mo? Mukha kang aso dyan"

"Cute mo" sagot niya ngunit hindi ako nilingon. Tumungin na lang ako sa labas at tinatago ang ngiti

Simple lang ang sinabi niya pero parang tanga na akong kinikilig dito.

"Mas mapula ka pa sa kamatis" natatawang saad niya

Tinarayan ko naman siya

"Nireregla ka ba?" Hinampas ko siya sa braso at humalakhak naman siya. Gustong- gusto niya talaga na inaasar ako at hindi ko alam kung paano gumanti

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon