Nanatili akong tahimik sa loob ng opisina ni Geun dahil sa kahihiyan. Ang panget naman kasi ng timing ni Mang Joel
Pero baliw din naman si Geun, halikan ba naman ako rito. Wala talaga siyang pinipiling lugar, nahuli tuloy kami
Tumingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas at pumasok si Geun na nakangisi
Hindi man lang ba siya nakaramdam ng hiya kanina?
"Hon, uwi na tayo?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko. Uuwi agad? Ano 'yon half- day siya?
"May trabaho ka pa"
"Nagpaalam na ako tsaka andito naman si Engineer Tiangco, kasama ko" tumango na lang ako sa sagot niya kahit hindi ko kilala kung sinong Engineer ang tinutukoy niya. Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan niya mula sa likod, nakita namin ang isang lalaki na may suot pang hard hat
"Engineer Tiangco" masayang sabi ni Geun tsaka siya lumapit doon sa lalaki
He looks so familiar, parang nakita ko na siya
Tumayo ako at lumapit sa kanila, nanlaki naman ang mata ni Engineer Tiangco nang makita ako
We met before, I'm not sure.
"Hello" bati ko na ikinangiti niya ngunit halata kong gulat pa rin siya
Suprise, boy!
"Hello" bati niya
Hinawakan ni Geun ang kamay ko, "She's Laura"
"Your girlfriend?" Seryosong tanong niya na ikinakunot ng noo ko
His presence is uncomfortable. I don't like how he asked about our status but still, I need to be nice to him since he is Geun's co-worker
"Yeah, my girlfriend" seryosong sagot ni Geun. Tumingin ako sa kanya samantalang ang mga mata niya ay seryosong nakatingin kay Engineer Tiangco. Siguro ay napapansin din ni Geun ang napapansin ko
"Ikaw na muna ang bahala rito, aalis lang kami ng girlfriend ko"
Diniin talaga ni Geun ang g word sabay bigay ng isang pekeng ngiti kay Engineer Tiangco kaya gano'n na lang din ang ginawa ko
"Una na kami" saad ko at hinaltak si Geun paalis doon. Pagkalabas namin ay sinalubong kami ng pagbati ng mga workers, nginingitian ko na lang sila dahil hindi man lang sila pinapansin ni Geun.
"Don't be rude, smile at them" bulong ko na ikinakunot ng noo niya
"Ayoko" sabi niya sa baritonong boses
Umiling na lang ako bilang pag-suko
Nang makarating ako sa kotse ay hindi pa rin inaalis ni Geun ang pagkakahawak ng kamay namin
"Geun" tawag ko. Tumingin naman siya
"Kilala mo ba siya?" Naka-kunit ang noo na tanong niya
"He looks familiar pero I'm not sure if we met before. Ngayon ko lang din narinig ang pangalan niya" sagot ko na lalo niyang ikinakunot ng noo
"Bakit gano'n ang reaksyon niya when she saw you. Try to remember, hon. Xavier John Tiangco ang full name niya" desididong saad niya
Xavier John Tiangco
His face and name were familiar. Sino ba ang lalaking 'yon?
"Sorry pero hindi ko talaga maalala" sagot ko na ikinatango niya
"Lets meet at Dolores Restaurant, hon. I'll text you the location kasi hindi mo pwedeng iwanan ang kotse mo rito" ani niya at tumango ako. Sumakay na ako sa kotse samantalang sumilip siya mula sa bintana
BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...