"I can't believe it!" Impit na sabi ko. I drank a shot of black label at iwinagayway sa ere ang shot glass.
"Finally, huh?" Archer muttered.
The lights were a bit dim at nangingibabaw ang tunog ng maingay na beat ng music. We're at the Xylo, seating on one of their U-shaped couches. The couch is good for ten but we're only five kaya naman maluwag ang couch para sa amin. Beside me is Dasher, ang nasa gitna naman si Astrid at Archer habang nasa harap namin ni Dash si Creed. We're on the second floor at walang masyadong tao sa gawi namin dahil nasa sulok ang ipinareserved namin.
"What's our plan after we got what we want?" It was Creed who asked.
"Come on, let's enjoy this night, Creed!" He let out a sigh because of my answer.
"I'll just go to the restroom." Paalam ni Astrid at agad itong tumayo.
"Bumalik ka! Hindi sa dance floor ang diretso." Archer muttered. Kanina kasi ay nagaaya na si Astrid sa dance floor.
"Yeah, whatever." Sagot nito bago umalis.
"I heard you went to Devaughne's annual party last night." Creed muttered. Medyo maingay ngunit sapat lang ang lakas ng pagkakasabi ni Creed para marinig ko iyon.
"Yeah, Vynz invited me."
"Mukhang seryoso sayo si Devaughne, anong plano mo sa kanya?" Tanong ni Archer habang may mapaglarong ngiti sa mga labi nito.
"Seryosohin na rin!" Dasher answered.
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko na para bang hindi alam ang sinabi niya.
"Huwag ako Milady, kilala ka namin." Sambit nito bago ininom ang alak sa shot glass niya.
"Just be careful. You know Devaughne is looking for the Universe." Paalala ni Creed na hindi ko naman nakakalimutan.
"Tandaan mo kung may mangyayaring masama, na huwag naman sana, nandito lang kami."
I suddenly remember Vynz, I don't know if he's mad at me dahil ayaw niya akong payagan ng malaman na sa Xylo kami pupunta pero umalis pa rin ako. I told him na huwag na akong hintayin or sunduin dahil sa condo ako uuwi. Si Hoax din ay ayaw payagan si Astrid at ang sabi sa akin ni Astrid ay binantaan siya ni Hoax na huwag ng babalik kapag umalis siya kaya naman sa condo rin ang uwi ni Astrid mamaya.
"Milady!" Rinig kong tawag sa akin ni Dash kaya agad akong napatingin sa kanya. "Lutang ka." Sabi nito.
"Why?" Takang tanong ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Astrid.
"I said let's play." He casually said.
"What the hell?! Play? Bata ka ba?" Napatingin ako sa tatlo ko pang kasama na mukhang napapayag na niya. Si Creed napapayag niya?
"Dali na secret truth. Kung sino matapatan magsasabi ng secret na ikaw lang nakakaalam o kung walang masabi, may magtatanong at kaylangan sagutin ng katotohanan tapos iinom nito." Napansin ko na isang bote na walang laman nalang ang nasa gitna ng table at nakapahiga doon. Nasa gilid na ng table ang mga shot glass nila at ang akin naman ay hawak ko. May isang lalagyan din sa gilid at may laman iyong alak. Iyon ang sinasabi ni Dash na iinumin.
"What was that?"
Nagkibit balikat ito sa tanong ko. "A mixture of tequilas, hennessy, Jack Daniels, bacardi.... Basta hindi ko na matandaan yung iba!" Nanlaki ang mata ko doon.
"Do you know kung ano ang lasa niyan?"
"Hindi, basta nakakalasing yan." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Bumaling ako kay Creed at nagkibit balikat lang ito. Si Astrid at Archer naman ang binalingan ko at ngiti lang ang isinukli sa akin ni Astrid.
BINABASA MO ANG
Chasing The Universe [Cosmos Series#1]
RomanceCosmos Series#1 - Completed Universe. They say when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it. What if the universe is against it? Mirae Adelide Lozano is the famous and sophisticated CEO of Lozano Empire. Despite o...