Kabanata 20

5.6K 229 57
                                    

I woke up because of a headache. My head is throbbing with pain. Fuck that experimental drink of Dasher!

I looked for my phone and checked the time. It's already two in the afternoon! Fuck!

I rose up and saw a note and a medicine with a glass of water on the side table.

Call me when you woke up. Drink this.

I clean my self in the bathroom and took the medicine that Vynz left as I dialled Vynz's number on my phone at pagkatapos ng isang ring ay may sumagot agad doon.

"How are you feeling?"

Hinilot ko ang aking sentido. "My head aches."

"Did you take your medicine?" Marahang sambit nito.

"Yes."

"I have an emergency meeting that's why I left but I'm on my way. Pauwi na 'ko. Anything that you want me to buy?" He asked.

I shook my head na para bang makikita niya iyon. "Nothing. Can I borrow your laptop? May kaylangan akong isend sa secretary ko."

"Its in my private room." He said then told me the password of his laptop.

Agad akong nagtungo sa private room niya. Madalang akong makapunta sa private room niya, iyon ang nagsisilbi niyang office sa penthouse. Ayoko ng madalas na pumapasok roon dahil nandoon ang mga files niya at baka magtaka pa siya kung bakit ako madalas doon.

I'm aware sa CCTV na naroon sa private room niya. Maliit iyon na bilog kaya naman aakalain ng iba na isang simpleng bagay lang iyon at hindi isang CCTV. Sa ilang araw na pananatili ko rito ay palihim kong iniinspeksyon ang penthouse at bukod tanging sa private room lang ni Vynz mayroong CCTV.

Agad kong nakita ang laptop ni Vynz dahil nakapatong lang iyon sa table niya. I opened it and typed the pass that he told me. Ganoon kalaki ang tiwala niya sa akin. I'm sure may mahahalagang files sa laptop niya pero walang alinlanggang binigay niya sa akin ang password nito.

Vynz's account is logged in. Hindi ko intensyon na tingnan ang mga email doon but I got curious on Hoax's email. Ngayong araw lang sinend ito at hindi pa nababasa ni Vynz dahil nakahighlight pa. Wala sa sariling binuksan ko iyon. Muntik na akong mapamura ng makita na ang subject na nakalagay doon ay Cosmos. My hands are shaking at parang hindi ko na maramdaman ang sakit ng ulo ko dahil sa nabasa.

Underbosses of Cosmos
Astrid Dela Vega
Creed Ferron
Dasher Alterio
Archer Fonacier

Universe
Mirae Adelide Lozano

That was what's written in the email. There was pictures attached on the file. Kasama ko sila Creed sa picture, hawak ko ang mask sa aking kamay at sa kabila naman ay isang pistol at nasa labas kami ng mansyon ni Governor Roxas. Lahat kami ay tanggal ang mask sa litratong iyon. I remember this scene. There's also a picture noong pumunta kami ni Creed sa hotel ng Stonesteel noong nabaril si Astrid. Ang isa ay kalalabas lang ni Creed na nakamask at may hawak na baril habang ang isa ay nakatutok ang baril ko sa isang guard at kita sa picture ang isa pang walang buhay na guard sa gilid ng sasakyan ni Creed.
May nakaattached din na voice record doon. I listened to it at doon ko narinig ang sariling boses at ang kay Creed. It was our conversation ng tinawagan ko siya kahapon, telling that Cosmos got the first spot.

Marami pa ang naroon pero hindi ko na iyon nagawang tingnan dahil sa panginginig ng aking kamay.

Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang mga litratong iyon but I know kung paano nila nakuha yung voice record. Naalala ko na abala silang lahat sa harap ng laptop ng araw na 'yon at hindi ko naisip na maaaring itrack ni Hoax o kung sino man sa kanila ang phone calls lalo na kung nakamonitor ang mga phone calls sa penthouse. I'm sure that one of them was notified because of the call at hindi 'yon si Vynz dahil kung siya ang nakaalam ay baka hindi na ako nakalabas ng buhay kagabi.

Chasing The Universe [Cosmos Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon