Kapitulo Uno

21 1 0
                                    

"Ate matagal ka ba don?" Malungkot na tanong ni Kid sa akin habang nasa sasakyan kami pauwi matapos naming pinanood ang pagsikat ng araw sa burol na iyon. Iyon kasi ang may pinakamagandang pwesto para panoorin yun.



"Isang taon ako don Kid at pagkatapos ng isang taon, pupunta na ako sa capital para mag-aral ulit nang makapagtrabaho ako." Ngiti ko habang inaayos ang pagkatali ng mahaba at kulot kong buhok.



"Aral? Hindi ka ba mag-aaral dun sa papasukan mo ngayon?" He looked at me with confusion.



Ngumiti ako at nilingon siya.



"Maiintindihan mo rin kapag mag-e-eighteen kana." Sagot ko at umayos na sa pagkakaupo.



We are currently on the road back to the village where our house is. Lahat ng mga taong hindi nagtatrabaho at mga hindi pa labinwalong taon ay sa village nananatili. Kapag naging 18 ka na, papasok ka sa isang University that will prepare you for your next stage in life.



Nang huminto na sa tapat ng bahay namin ang sasakyan, bumaba na kami ni Kid. Inayos ko ang t-shirt ko at binuksan ang pintuan.



We went inside our simple house. Naabutan namin si Mama na nag-ma-martial arts sa sala. She is very fond of working her body out.



"Oh, you're back." Ngumiti siya matapos nag-high kick.



I stared at her sophisticated beauty. Her eyes were chinky with long lashes and bordered with her perfectly formed brows. Maliit at matangos ang ilong niya. Her lips were small and pinkish. Her hair was straight, short and jet-black in color, unlike mine.


I'm surely gonna miss this goddess.



Lumapit kami ni Kid sa kaniya and hugged her.



"How was the view?" She asked matapos kumalas sa yakap.


"Mesmerizing." I answered with a sad smile on my face.


Napansin ni Mama ang lungkot sa mukha ko.



"Darling, don't be sad. Magkikita pa rin naman tayo." Ngiti niya while caressing my cheeks.


Namumuo na ang luha sa mga mata ko.


"Yeah after Kid finishes his one year prep at that university." I said while wiping my tears. "And he's still 13! That's a long way to go Ma."

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon