Kapitulo Seis

12 1 1
                                    

Matapos ang session with Professor Hunter, nagsilabasan na kami. Bumungad sa amin ang unti-unting paglubog ng araw. 



"Aya punta muna akong clinic. Ang sakit ng puson ko." Mabilis na nawala sa paningin ko si Nari.



"Oy Nari, hintay!" Mabilis naman siyang sinundan ni Van.



Nilingon ko naman si Ri na nasa tabi ko parin. "Saan ka niyan?" Tanong ko.



Luminga-linga siya, naghahanap ng kung anong pwedeng gawin.



Nagulat ako nang bigla niya akong hablutin patabi at lumampas sa akin ang isang bola. It almost hit the back of my head!



"Uy sorry." Pagpapaumanhin naman ng isang lalaki.



"Mag-ingat kayo sa susunod." Seryosong sagot ni Ri.



Napakamot sa batok yung lalaki at unti-unting pinulot yung bola sa paanan namin. "Gusto mong sumali?" Napapahiyang tanong niya kay Ri.



Sinilip pa ako ni Ri bago niya binitawan ang braso ko at tumango don sa lalaki.



"Nice! Kulang kami ng isa eh!" Magiliw na sabi ng lalaki.



Umalis sila pagkatapos magpaalam ni Ri sa akin kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad-lakad.



Tumingin-tingin ako sa mga taong nandon. May mga nakaupo sa bench. May naghahabulan. May mga nagbabasa lang. Mayron namang naglalaro. May mga naglalakad kagaya ko. At may nakatayo lang at tinititigan ang papalubog na araw.



How amazing it is to witness diversity in one place. 



Maraming pagkakaiba, marami ring pagkakatulad. May wala sa isa, pero meron sa iba. Napupunan ng isa ang pagkukulang ng isa. The world is like a puzzle and the people in it are its pieces. 



Natigil ako sa pagmumuni-muni nang nabangga ako ng nagmamadaling babae.



"Oh I'm so sorry." Nakangiting sabi ni Astra Estell.



She's beautiful, really. Her long blonde hair accentuates her gorgeousness. Kulot sa dulo ang buhok niya unlike mine na mula sa itaas pababa ay wavy. Natural tingnan ang kolorete sa mukha niya. Nakasuot siya ng uniporme ng mga taga Agua Departement at nagmamadaling maglakad bitbit ang mga libro.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon