Kapitulo Dieciocho

7 1 1
                                    


6 in the morning, nagising ako sa malakas na tawanan ng mga taong pumasok sa kwarto. Jaze is still here. Nakatulog siya sa upuan. I don't know how he made himself comfortable there but yeah, he slept.



After the emotional moment last night, it became awkward but thankfully I fell asleep. 



Dahan-dahan akong umupo at nilingon ang mga pumasok na ngayon ay pare-parehong natitigilan. 



Nari was holding a glass of milk. She stared at the person with me with mouth opened in shock. SI Van naman ay nakahawak sa pintuan at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Jaze. Habang si Ri naman ay kunot ang noong titig kay Jaze.



"Uhh.." Pambibitin ko. "Good morning?" I awkwardly smiled.



"What..." Nari couldn't find the rights words.



Nilingon ko si Jaze at nagulat ako nang makitang gising na siya at nakatitig rin sa mga kaibigan ko. He stood up and slightly bowed. "Good morning." he greeted with his cold and stern voice.



"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Bulong ni Nari na rinig naman naming lahat.



"Nari. Anong kalandian na naman ang tinuro mo sa kaibigan mo." Pambibintang ni Van.



Aangal na sana ako nang biglang magsalita si Ri. "How are you feeling, Aya?" Lumapit siya sa akin at dinama ang noo ko. Sinulyapan niya pa si Jaze bago itinuon ang pansin sa akin



Doon ko lang pinakiramdaman ang sarili ko. Mainit pa rin ang katawan ko at medyo masakit pa rin ang ulo ko. Humahapdi pa rin yung sugat kong mukhang hindi naman napansin ng kahit sino.



"Masama pa rin." Mahina kong sabi bago sinulyapan si Jaze na ngayon ay titig sa kamay ni Ri na nakalagay sa noo ko.



"I told you. You should've just stayed here yesterday. Lumala ang pakiramdam mo dahil sa trai--" Hindi natapos ni Ri ang sasabihin dahil mukhang naalala niyang may kasama pala kaming hindi alam ang palihim na pagsasanay namin.



"Sigurado naman akong magiging okay din yan si Aya." Ngisi ni Nari habang lumalapiyt sa amin at hanggang ngayon ay nang-aasar ang titig niya kay Jaze.



"I'll get going now. Get well, Archer." Pagpapaalam ni Jaze habang nakatingin sa akin.



Umalis na siya at nang makalabas siya hinampas agad ako ni Nari. Ang masama pa ay sa sugat ko iyon tumama. "Aray!" I exclaimed.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon