Mabilis na nag-agawan ang iba nang matapos kaming dalawa ni Van. Sabay naming hinanap si Nari at nakita namin siyang nakikipag-usap kay Rhys.
"Oh Ri gising ka na!" Bati ni Van at nag-apir silang dalawa.
"Sabi ko sayo gisingin mo ako. Wala akong narinig kahit isang katok!" Singhal ni Ri kay Van.
Tumawa si Van. "Kumatok ako! Hindi ka man lang nagising!"
"Ilang bess? Ha?" Paghahamon ni Ri sa kaniya.
"Tatlo!" Mayabang na sagot ni Van.
"Sinong magigising jan?!" Asik ni Ri.
Natawa lang kami ni Nari sa asaran nila.
Sabay kaming naglalakad-lakad sa field bago namin naisipang magpahinga sa kwarto ko. Doon talaga ang pinili nilang pagpahingahan kasi sa aming apat, ako raw ang maiging magligpit ng kalat, walang hiyang ika pa ni Van.
"Hoy! Iwan niyo yang sapatos niyo sa rack! Hanep sa kapal!" Sigaw ko sa kanila.
Ngumiti sila at maamong sumunod sa utos ko.
"Ganyan nga mga hampaslupa. Sumunod kayo sa mas nakakataas." Pagtataray ko.
Nandidiri silang tumingin sa akin at pumunta na sa sofa. Pumasok muna ako sa closet at nagpalit ng shorts para mas kumportable.
"Saan ang laundry area?" Tanong ko sa kanila habang papaupo na sa sofa.
Naabutan ko si Ri na nagbabasa sa bagong newspaper. Si Nari naman ay nagsusuklay ng buhok habang si Van ay nakasandal sa sofa at nakatingalang pumikit, pagod.
"Kinokolekta yan tuwing hapon ng Linggo. Darating mamaya ang mga housekeepers. Ibigay mo lang sa kanila. Wag mo lang isali ang panty at bra mo." Tumawa pa si Nari.
"Hindi naman yan nagba-bra. Walang kailangang takpan!" Asik pa ni Van.
Tinapunan ko siya ng hawak kong unan. Sinalo niya yun at tinapon kay Nari. Natawa ako sa gulat na reaksyon ni Nari nang tumama yun sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)
Teen FictionIn a world where Astrology rules, you are to be sent to a school where students are divided based on zodiac signs. Everything was all fun and everyone was all smiles. Not until the first prophecy after millions of years came out.