"So umaga na lang ang klase natin? Ganon?" Inis na sabi ni Van habang naglalakad kami sa field.
Wala kaming nagawa kundi manahimik na lamang patungkol sa anunsyo kagabi. Wala naman kaming kapangyarihan para baguhin kaya wala rin kaming magagawa kundi sumunod na lang.
Totoo ngang sa labas at loob ng university ay may mga keepers na nagbabantay. Sa harap ng mga building ay may mga nakatayo at nagbabantay. Mayroon ding mga naglalakad-lakad paminsan-minsan at nagmamasid sa paligid.
"So what's gonna happen? We're gonna be untrained 'protectors'?" Sarkastikong sabi ni Nari.
"Mabuti na lang nagtraining tayo noon kahit konti. Thanks to Aya's mom." Mahinahong sabi ni Ri.
Totoo. Bata pa lang kami ay tinuruan na kami ni mama ng basic fighting skills dahil magagamit daw namin yun sa susunod. She trained us basic martial arts. Tinuruan niya rin kaming dalawa ni Ri ng darts para sa sanayin ang targeting skills namin habang fencing naman ang tinuro niya kay Nari at Van.
"Well, oo. Pero paano na yung mga hindi naituro sa atin ni tita? Ano bang problema ng Prime Minister?" Kunot-noong tanong ni Nari.
nagpatuloy sila sa pagrereklamo habang naglakad kami patungo sa building for our morning class with Professor Hades. Habang malalim ang pag-iisip ko, nahagip ng paningin ko sa Jaze na kasama si Blondie, Luke, at yung lalaking nagpakilala sa akin sa dining, si Kean.
Nagtatawanan si Luke at si Kean habang kinakausap naman ni Blondie si Jaze. Jaze looked attentive sa bawat sinasabi ni Blondie at napataas agad ang kilay ko sa pagngiti niya rito. Nagulat ako nang biglang lumingon siya sa gawi ko at nagkatinginan kami. Nawala ang ngiti niya nang nginiwian ko siya. Hindi ko na pinansin pa at dumiretso na sa building.
"Good morning Fuego." Seryosong bati ni Professor Hades nang makapasok siya sa building.
Nagsiupuan ang lahat at nakinig sa kaniya.
"How sad it is for you to be forbidden to have trainings. Totoo nga namang masyadong delikado ang mga iyon. Just think that it's for your own safety." Panimula niya habang binubuksan ang isang libro.
"Our safety? How about other people's safety when it's our turn to become keepers? They wouldn't want unskillful protectors, right?" Irap ng isang kasama namin sa house namin.
"You will still have training kapag papasok na kayo sa Capital. But here in the university, bawal na talaga." Siguradong sabi ni Professor Hades bago nagsimulang mag-lecture.
BINABASA MO ANG
Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)
Teen FictionIn a world where Astrology rules, you are to be sent to a school where students are divided based on zodiac signs. Everything was all fun and everyone was all smiles. Not until the first prophecy after millions of years came out.