Kapitulo Veinticuatro

12 1 16
                                    

"Magcu-curfew na. Akyat na tayo." Sabi ko sabay tayo at pagpag sa puwetan ko.



Tahimik naming pinanood ang mga buwan at bituin. Walang nagsalita pagkatapos non. 



Tumayo rin siya at pinagpagan ang sarili.



"Uy san na pala yung sketch ko ha?" Ngiti ko sa kaniya.



"I'll give to you when it's done." Seryoso niyang sabi.



Tumango ako at nagpaumunang maglakad. Natigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng sipol. Nilingon ko yun kaya muntik pa akong mabangga ni Jaze.



"Ano yun?" Tanong ko habang tinitingnan ang paligid. Walang ibang tao kundi kami at ang mga keepers lang.



"What?" Nilingon niya rin ang nililingon ko.



Umiling ako at kunot-noong nagpatuloy sa paglalakad. 



Lumipas ang gabi. Masaya kong binati ang umaga dahil hindi ko napaniginipan muli ang panaginip na yun. Well, I guess it was really just a dream, huh?



But our conversation yesterday wasn't. Napangiti ako nang maalala ko yung pag-uusap namin. Hindi ko iniisip na may gusto rin siya sa akin. Ang ikinangingiti ko ay ang sinabi niya.



Pinaglalapit kami ng kalawakan.



Impit akong tumili at tinabunan ang sarili ng kumot.



"Aya, ang landi!!" Tili ko.



Umiling ako at tinanggal na yun sa isipan ko. Tumayo ako pero hindi ko talaga mapigilan ang pagngiti.



"Malala ka na Aria Seraphine!" Sinampal ko ang sarili ko pero mas lalo lang lumaki ang ngiti ko.



"Aba, ewan!" SInghal ko sa sarili at naghanda na para sa araw na to. 



Lunes na ngayon. And it's Hearts Day kaya walang classes for today. Everyone was told to wear  something with our house colors on it.



Ang Aries ay pula. Ang Taurus ay pink. Ang Gemini ay dilaw. Ang Cancer naman ay violet. Ang Leo ay ginto. Ang Virgo ay silver. Ang Libra ay navy blue. Ang Scorpio ay itim. Ang Sagittarius ay turquoise. Ang Capricorn naman ay midnight blue. Ang Aquarius ay sky blue. At ang Pisces ay ocean green.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon