Kapitulo Veintiuno

8 1 1
                                    

"Do not mention it to others for now. Ako na ang bahala don. You just focus on training." Bilin sa amin ni Professor Hunter nang makalabas kami sa Headmaster's Office.



Headmaster agreed to Prof Hunter's plan. Pareho silang nagkasundo sa paglabag sa salita ng Prime Minister dahil alam nilang ito ang nakabubuti. It was for the greater good.



Kahit papano'y nabawasan ang pangamba namin na baka mahuli kami ng headmaster. Ang keepers na lang ang problema namin ngayon.



"Wala namang keepers dito sa loob ng main building kaya we shouldn't worry." Sabi ni Ri na katabi ko habang naglalakad na kami papuntang dining hall.



"Unless eepal na naman si Professor Hades." Mataray na sabi ni Nari nang makapasok na kami sa maingay na dining hall.



Hindi pa nagsisimula ang hapunan. Nag-uusap-usap pa ang lahat.



The blinding light of the dining hall's enormous chandeliers welcomed us. I had the urge to squint my eyes to lessen the penetration of the bright light.



Hindi ko alam kung bakit pero nilingon ko ang gawi ng unang long table, where Jaze and his friend were.



Napangiwi na lamang ako nang maabutang katabi niya si Blondie at nag-uusap sila. I forgot tat Pisces and Aquarius are in the same table.



Umirap na lamang ako at umupo na.



"Are you feeling good, Aya?" Tanong ni Ri.



Tinaasan ko siya n kilay. "Obvious ba Ri? Kung hindi kanina pa ako nahimatay sa gitna ng field." Mataray kong sabi.



Kumunot ang noo niya. "What's with you girls today?" Bulong niya sa sarili.



Umugong ang tunog ng gong kaya nagsitayuan na kami at tumungo sa mga pagkain.



Habang naglalagay ako ng kanin sa pinggan ko, may nag-abot sa akin ng water bottle. I turned to the owner of the hand. Bumagsak ang balikat ko nang hindi makita ang inaasahan.



"Hindi mo tinanggap yung tubig ni Jaze kanina. O eto." Ngiti ni Kean.



Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Thank you Kean."

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon