Saturday morning, nandito ako ngayon sa kuwarto ko kasama sina Nari, Van, at Ri. Wala kaming ginagawa kundi pag-usapan lamang yung sinabi ni Professor Hunter noon isang araw.
"Kung matutuloy man yun, saan naman natin yun gagawin?" Tanong ni Nari habang inililipat ang pahina ng newspaper na kaka-release lang.
Sa laki ng mga building ng paaralang to, sigurado akong may mga kuwartong hindi nagagamit o kaya naman ay nakatago. Kaya hindi ko na inisip kung saan yun gagawin. The question that lingers in my head is why those events have been happening. Criminals roam around, that's given. But dito sa school? Knowing na pinapalibutan kami ng mga keepers, walang matinong tao ang susubok na gumawa ng krimen dito.
"Atsaka, paano yun? Sa dami nating mga Fuego, siguradong unang araw palang ng training malalaman na ng lahat ang ginagawa natin. Baka parusahan pa tayo sa Capital at madadamay pa sa Headmaster." Sabi ni Van.
"Hindi naman sinabi ni Prof Hunter na kasali ang iba. Tayong apat lang naman ang sinabihan niya." Wika ni Ri.
"Baka naman kasi may iba pa siyang sinabihan diba?" Tanong ni Van.
"Alam na naman siguro niya ang kailangang gawin para matupad ang pinaplano niya. Kailangan natin ng training dahil delikado talaga ang nangyari. Hindi malabong masusundan pa yun." Nakasimangot na sabi ni Ri.
Napaisip ako habang patuloy sila sa pagpapalitan nila ng salita.
Hindi malabong masundan pa iyon.
May posibilidad ngang mangyayari yun ulit at maaaring mas magiging malala pa ang mangyayari. But we can't stop it just by protecting ourselves. Kailangan din naming malaman ang puno't dulo nito.
"Hindi ba kayo nagtataka?" Pagsisimula ko. Nilingon nila ako. "Napakaraming keepers sa school ngayon pero may nakagawa pa rin ng ganon. Don't you think that's odd?"
"Alam mo naman ang utak ng mga kriminal. Masyadong maraming pasikot-sikot kaya minsan naa-outsmart nila ang mga mautak." Sabi ni Nari.
"Yeah but.." I trailed off. "Hindi niyo ba naisip na baka nandito lang sa loob ang may gawa non?"
"Kung ganyan nga, sino naman?" Tanong ni Van.
"The very reason why we have to learn how to protect ourselves. Wala tayong mapagkakatiwalaan sa lugar na to ngayon." Sabi ni Ri.
BINABASA MO ANG
Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)
Teen FictionIn a world where Astrology rules, you are to be sent to a school where students are divided based on zodiac signs. Everything was all fun and everyone was all smiles. Not until the first prophecy after millions of years came out.