Kapitulo Nueve

6 1 3
                                    

"Mind explaining?" Pagbasag ni Prof Hunter sa katahimikan.



Their eyes were yelling so much confusion kung bakit kami magkasama. Is it weird ba na makasama ang students dito? Well, I can't blame them. This is the first time they saw us together. And every first time always causes different and strong emotions.



"Why?" Jaze asked confusedly.



Nagkatinginan si Van at Ri. Nagpigil ulit ng nakalolokong tawa si Van habang si Ri naman ay nanatiling naguguluhan. Tinitigan ako ni ng mga mata niyang nagtatanong. Nagkibit ako ng balikat at ganon nalang kalalim ang buntong hininga niya at karahan ang pag-iling niya.



"Aze. I've been looking for you everywhere." Mahinhing sabi ni Blondie. She took a short glance at me bago siya lumapit kay Jaze.



Nginiwian ko sila at lumapit na kay Prof Hunter. "May tiningnan lang kami Prof." 



"Ano naman yun?" Nang-uusisang tanong ni Ri.



Tiningnan ko siya. Nabasa ko kaagad ang inis sa mukha niya. "Bakit ba? Ganyan na ba kabig deal ang pagsasama ng mga students dito?" Inirapan ko sila at humalukipkip.



"Aze paano kung may nagawa na naman siya? Madadamay ka na naman kagaya kay Aster!" Histeryang sabi pa ni Blondie kay Jaze.



Nagulat ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Jaze. Alam naming pareho ang buong katotohanan na siya ang may nagawa at ako ang nadamay. Kakaiba nga rin naman mag-isip itong Blondie-ng to.



"We did nothing wrong. May tiningnan lang kami." Jaze explained to Blondie.



"Ano nga?" Pang-uusisa naman ni Blondie.



She's a Pisces yet she's judgmental and conclusion-jumper. She doesn't accumulate facts before yelling out her opinion. Chismosa rin pala.



Ngumisi ako sa naisip. "Araw." Sabat ko.



Nilingon ako ng lahat lalo na si Blondie. "What?" Maarte ngunit mahinhin niyang tanong.



"Araw ang tiningnan namin." Plastik kong ngiti.



Kumunot ang noo niya at binalingan ang pinakamamahal niyang si Jaze na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko na sila pinansin at bumaling nalang sa mga kaibigan ko na ngayon ay parehong naguguluhan pa rin.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon