"Ang pangit mong bumanat." Humalukipkip ako at pinigilang ngumisi.
Bumalik na ang liwanag. Hudyat na tapos na ang eclipse ngunit narito parin kami at nagtititigan matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.
"That's what Luke taught me." Ngiwi niya bago umiwas ng tingin.
"Sa akin mo talaga ginamit?" Ngisi ko at hinuhuli ang kaniyang tingin.
"I was just practicing." Mahina niyang sabi sa seryosong paraan.
Nawala ang ngisi ko. "Practice?"
Nilingon niya ako. "Yeah." Tango niya.
How dare he use me as a prop?!
"Ang pangit parin. Kulang ng feelings." Inirapan ko siya at umiwas na ng tingin.
"That's because sayo ko sinabi. If I tell it to her, the feelings you're talking about will flow naturally." Ngiti niya.
I glared at him. "Edi don ka!" I yelled at iniwan na siya don.
Ugh! What a way to witness the eclipse! Napakawalang kwenta! What did he think of me? A useful prop for him to practice his romantic desires?! To hell with him!
Nanggigigil akong pumasok sa main buidling. Nagpapadyak akong tumungo sa kwarto ko at don pinalipas ang isang buong araw.
The next day, I wore our department uniform for it is Monday. I combed my hair and tied it into a high ponytail. Nang matapos akong mag-ayos, tumungo na ako sa dining.
I walked through the hall of our part of the building at bumaba na sa staircase.
I still couldn't forget what happened yesterday. I can't believe I almost got swayed by his words!
Nagulat ako nang nakita ko si Professor Hades na lumabas galing sa likod ng staircase. "Prof." Tawag ko.
Natigilan siya nang makita ako at umayos sa pagkakatayo. "Good morning Salazar." Nilingon niya ang pinanggalingan niya. "I was looking for Professor del Mundo. I always see him here the past few days." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)
Teen FictionIn a world where Astrology rules, you are to be sent to a school where students are divided based on zodiac signs. Everything was all fun and everyone was all smiles. Not until the first prophecy after millions of years came out.