The next day, ipinagpatuloy namin ang preparation for Hearts Day. Bukas na yun kaya nagmamadali na ang lahat. The professors will also join the celebration. Hindi sila gagawa ng booth pero sasali sila sa mga gimik ng mga booths namin.
"Aya, ikaw sa Aire Department ha." Biglang tawag sa akin ng isang kasama namin, si Jesa. Galing siyang Casa de Leo at siya yung tumatayong leader namin.
Nilingon ko siya bigla. "Ha? Aire? Ako? Bakit ako? Anong gagawin ko?" Sunod-sunod kong tanong.
If I am not mistaken, galing sa Aire Department si Jaze. Pinagtitripan yata ako ng isang to. Pagkatpos kasi ng nangyari kahapon, palagi na nila akong tinutukso kay Jaze kahit wala namang namamagitan sa amin.
"Close mo naman yung isa don kaya keri mo yan!" Walang hiya, tumawa pa siya. "Sie na! Kunin mo lang naman yung listahan ng mga pangalan nilang lahat! Tsaka propesor naman ang pupuntahan mo hindi estudyante! Maliban na lang kung magsa-sidetrip ka." Tumawa siya ulit.
Nginiwian ko siya. Kahapon pa itong mga to. Kesyo bagay daw kami, gusto ko ba raw siya, gusto niya ba raw ako, paano na raw si Blondie, at imbitahan ko raw sila sa kasal namin. Aba! Ang layo ng narating nila. Ang taas ng imahinasyon. Lumampas pa nga sa langit.
Nagpatuloy ako sa paggugupit ng numbers. Ang dami kasi kaya matagal matapos.
Napabutong-hininga na lamang ako nang maalala ko ang panaginip ko kagabi.
"Mama, are you okay?" Nag-aalala kong tanong habang inalalayan siyang umupo.
"I'm fine Aya. Mahapdi but I'm okay." Ngiti niya sa akin.
"Nasugatan siya sa kamay dahil sa kutsilyo kaya ngayon ay umaagos ang dugo mula don.
Tiningnan ko ang dugong nagmula sa sugat na yun at biglang dumilim ang paligid. HIndi ako nahimatay. Ang dugong nakita ko kanina sa kamay ng mama ay nakakalat na ngayon sa sahig at may mga dugo sa buong katawan ko.
"Aya! Halika na!" BIgla akong hinila ni Mama patayo. Hindi ako makapagsalita. "Cover your wound, anak. We have to get out of here."
Dugo ko yun. Mula sa sugat na binigay ni daddy. Umaagos ang dugo don na parang walang bukas. Unti-unti akong nanghihina at mukhang mawawalan ako ng malay.
"Don't faint, anak, please. We have to get out!"
BINABASA MO ANG
Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)
Teen FictionIn a world where Astrology rules, you are to be sent to a school where students are divided based on zodiac signs. Everything was all fun and everyone was all smiles. Not until the first prophecy after millions of years came out.