Kapitulo Veintidos

7 1 2
                                    

"Remember to never yell during a fight. Yelling can take your time and attention from what's really in front of you. Get your point straight without raising your voice." Wika ni Professor Hunter habang titig sa akin at sinusubukang basahin ang susunod kong kilos.



It's Friday afternoon at nandito kami ngayon sa training room sa opisina ni Prof Hunter. Tapos na ang afternoon classes kaya nandito na rin sina Kean at Luke. I was still doubting kung may pinagsabihan ba sila o wala sa ginagawa namin but I do hope na wala. The last thing we need now is getting caught.



Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin ni Prof Hunter at binigyan siya ng malakas na sipa sa panga ngunit nahawakan niya ang paa ko at pinaikot yun. I grunted as I fell hard. Padapa akong natumba sa ginawa niya.



Nalukot ang buong mukha ko nang kumalabog ang sahig sa collision.



"Think fast. Kung pinatumba ka, bilisan mong bumangon at gumanti. Tumayo ka at lumaban ulit. Wag mo nang indain ang sakit. Crying over the pain is never of help." Wika ni Prof habang naglalakad papunta sa akin.



Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko yun pero lingid sa kaalaman niyang oportunidad ang tingin ko sa kilos niyang iyon.



Pagkahawak ko sa kamay niya, hinila ko yun kaya pahiga siyang natumba. Nakapatong siya ngayon sa akin. Mabilis kong ginapos ang katawan niya gamit ang mga paa ko para hindi makagalaw ang kamay niya. Hinead lock ko siya nang pagkalakas-lakas kaya napapaubo siya at pinilit kumawala sa pagkakagapos.



"And always remember..." Nakangisi kong sabi. "To never pity your opponent."



Malakas niyang pinilit ang pagtanggal sa mga paa ko mula sa pagkakagapos sa kaniya kaya binitawan ko na siya. Tumayo kaming pareho habang siya ay umuubo at nakahawak sa leeg.



"Right. Do not pity... the... opponent.... hooo. You are strong, Salazar." Umiiling iling siya at tinungo ang pinaglalagyan niya ng tubig kanina at uminom doon.



Mayabang akong ngumiti at hinarap ang mga kasama habang tinatanggal ko ang hand wrap sa kamay ko. Naabutan ko si Van na binabatukan ni Nari. Si Ri naman ay nakangising tumititig sa amin ni Prof Hunter. Si Kean naman ay nanlalaki ang mga mata sa nakita. At si Luke ay tulala at laglag ang panga. Maybe because it's their first witnessing things like this?



Professor hasn't been suspicious lately. He was far from being a suspect as I thought he was before. Maybe I was just paranoid and impulsive on blaming him. Good thing he didn't collect grudges against me for my opinion of him before.



"Magpatuloy tayo sa susunod. Hindi ko pa alam kung kailan pero sasabihan ko lang kayo. Maaari na kayong lumabas." Pinagpag ni Prof Hunter ang mga kamay niya.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon