Kapitulo Veinte

4 1 0
                                    

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo." Buntong-hininga ni Headmaster habang nakaupo sa upuan niya.



Mas malaki ang opisina ni Headmaster kesa kay Professor Hunter.



Kaga-labi akong nakatayo katabi ang mga kasama ko. Problemadong nakayuko si Professor Hunter at kinakabahang nakatungo rin kaming apat.



"Hindi ko man utos yung pagbabawal ng training ay hindi ibig sabihin non hindi niyo na susundin. It is still and order, Hunter." Sabi ni Headmaster sa isang mababang boses.



"I'm sorry, Headmaster. Pero pareho nating alam na hindi pwedeng hindi matuto ang mga estudyante." Palaban na sabi ni Professor Hunter.



"Yes, I know. But I clearly said na hayaan na muna natin sa ngayon. Sundin na muna natin. I already sent a message to the Prime Minister's Tower kaya sigurado akong anytime soon babawiin na niya yun." Galit na asik ni Headmaster.



Yumuko ulit sa Professor.



"Ito na nga ba ang sinasabi ko." Bulong ko sa sarili na walang nakarinig.



"Good thing Hades here told me about your funny business. Baka kung sakaling ang mga keepers pa ang makakaalam, sa Capital na agad ang tungo ninyong lahat!" Kumalabog sa buong kwarto ang boses ni Headmaster.



Nakita ko pa kung paanong umigting ang panga ni Professor Hunter habang titig sa proud na Professor Hades.



"You failed to respect my words but all for a good cause. Ang kapalit sana nito ay expulsion sa inyong apat at suspension sa iyo Professor Hunter. Pero dahil hindi ko naman ito batas at ginawa niyo rin lang ang kung sa ano ang tingin niyo ay tama, paparusahan ko na lamang kayo sa ibang paraan."



Nawala ang ngisi ni Professor Hades. "but Headmaster, they didn't follow the order of the Prime Minister. Hindi pa't nararapat lamang na paalisin sila dito?"



"Yes, Hades. Pero sa mga pangyayari ngayon, ayaw ko na munang dumagdag pa ng kung anu-anong isyu. Kapag papaalisin natin ang limang to, malalaman ito ng Prime Minister at baka pare-pareho pa tayong malalagot." Iling ni Headmaster.



Mas lalo akong napatungo.



I felt so guilty and selfish. Guilty because of what we did. Kung sakaling keepers nga ang nakahuli sa amin ay baka madamay ang buong school. Selfish because pinagbigyan kami ni Headmaster na hindi naman dapat. Alam kong maraming rule breaker na naparusahan ng expulsion pero heto kami ngayon at pinagbigyan pa ng Headmaster.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon