Kapitulo Diez

6 1 1
                                    

After the breakfast, nagsilabasan na kaming lahat. The stares between the three houses were still there. Pare-parehong humahanap ng tamang tiyempo para magpaputok.



Good thing that I have only a little skin that's showing thanks to my outfit kaya mahihirapan silang asintahin ako sa nakalabas kong balat.



Sabay-sabay ang lahat na tumungo sa labas ng main building. Nang makalabas kami don, bigla akong nakarinig ng putukan!



Nagsiyukuan ang ibang houses habang kami naman ay gulat na naghanap sa kung kanino man nanggaling yun.



Nagsimula nang magbarilan ang lahat kaya nagmadali akong hilain si Nari paalis don!



"Hoy sali tayo!" Pagpupumiglas ni Nari habang hila-hila ko siya papunta sa may fountain.



Hinila ko siya lalo. "Di pwedeng tayong lahat ang nandon. Dapat may maiwan kahit isa sa atin para hindi tayo maubos!" Pagdadahilan ko.



Nang makarating kami sa harap ng fountain ay nagtago kami doon.



"Ang saya nun Aya! Ang killjoy mo naman!" Humalukipkip si Nari.



"Ano ka ba? Paano kung maubos tayo don ngayon? Edi talo na tayo!" Sabi ko habang sinisilip ang masayang kaguluhan na nangyayari sa harap ng main building.



I never thought chaos would be this fun.



"Bahala ka nga! Sasali ako don." Biglang tumakbo papunta sa kaguluhan si Nari.



"Nari!" Pahabol kung sigaw ngunit nakalayo na siya!



Nasapo ko ang noo ko at tumakbo pasunod sa kaniya. "Goodbye Archery Set." Bulong ko sa sarili habang patakbong inihahanda ang baril ko.



Tumigil ako sa pagtakbo nang medyo malapit na ako sa nagbabarilan at inasinta mula doon ang mga taga-kabilang houses. Ang ibang estudyante ay nagmamadaling magpakalayo sa gulo ng department namin habang ang iba naman ay mukhang naaaliw sa napapanood.



Hindi ko nagawang iputok ang baril dahil may tumabi sa akin. Nilingon ko yun at namataan si Jaze na nakataas ang kilay habang sinisilip din ang inaasinta ko.



"Continue your work. Baka mapatay ka." He said coldly while staring at the commotion.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon