Kapitulo Cinco

5 1 0
                                    

I woke up to the beautiful morning of the 19th of January. Naging normal na ang lahat matapos ang mga pangyayaring iyon noong bagong taon. Hindi ko na rin nakausap o nakatagpo man lang si Jaze maging si Astra Estell.



Today is the official start of the school year. Isinuot ko na ang uniform ng department namin.



Magkakaiba ang uniform ng bawat department.



Ang Agua Department ay navy blue pleated skirt at dark blue sleeveless turtleneck na pinatungan ng itim na blazer sa babae. Sa lalaki naman ay navy blue na slacks at dark blue long sleeve turtleneck na pinatungan rin ng itim na  corporate blazer. Leather wedge heels na 2 inches ang sa babae at leather shoes din sa lalaki.



Ang Aire Department ay parehong naka-corporate attire. Ang mga babae ay may suot na itim na pencil skirt at puting blouse na may malaking gray na ribbon sa kwelyo. Itim na stilletos ang sa paa nila. Ang mga lalaki naman ay isang puting dress shirt na pinatungan ng nakabutones na gray corporate blazer at mayroon ding itim na necktie. Gray din ang slacks at itim naman ang leather shoes nila.



Ang Tierra Department ay parehong naka dark green na slacks ang babae at lalaki. Pareho rin silang nakaputing dress shirt na pinatungan ng berdeng corporate blazer. Flats lamang ang sa mga babae at simpleng itim na loafer shoes naman sa lalaki.



Ang sa amin naman, Fuego Department, ay isang red pleated tartan skirt na may gold chains sa bandang baywang at fit na puting sleeveless sa itaas para sa mga babae. Pinatungan ito ng isang maroon na leather jacket. Ang sa paa namin ay itim na 2-inch wedge heeled boots na hanggang tuhod. Sa mga lalaki ay isang itim na combat jogger at combat boots. Ang pang-itaas nila ay maroon na t-shirt na may dragon symbol sa bandang gilid ng dibdib. 



Inayos ko na ang kwintas ko sa aking leeg at tinali ang buhok sa isang half-ponytail. I let the remaining waves of my black an brown hair down. I looked at myself on the full-length mirror bago lumabas sa kwarto ko. 



Naabutan ko ang mga kapwa ko Sagittarius na naglalakad palabas sa Casa.



I had a lot of expectations for the first day. The moment I stepped on the grounds of this university, I knew there was something to await for. I knew that adventure was hiding in the corners of this school, waiting to be found. And I would happily volunteer to hunt those that are hidden. Not everyone is brave. And if I will not choose bravery, then who will?



"Aya!"



Lumingon ako sa boses ni Nari at nakita ko nga siyang papalabas pa lang sa kwarto niya. She was also wearing her uniform like me.  Her jet black hair was in a tight bun while some streaks were falling over her face.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon