Chapter 15

251 24 124
                                    

xv

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xv. the unexpected guest
───────

Nang dahil sa akin, nahulog kaming dalawa ni Dylan mula sa 10th floor building ng senior high department pero naging kakaiba ang mga sumunod na mga pangyayari, nakita kong biglang nag freeze ang lahat. Parang mga mannequin ang mga tao sa baba dahil huminto rin sila. Napansin ko rin na nakahawak ako sa kamay ni Dylan at nakalutang pa kaming dalawa sa ere at hindi pa nakakaabot sa lupa.

Ano ba ang nangyayari? Panaginip lang ba ito?

Naipikit ko ang aking mata dulot sa labis na pagkalito at kaba pero may isang nilalang na nagligtas sa aming dalawa. Hindi ko matukoy kung ano ito o sino ito kasi nakapikit ako. Napansin ko na lang nasa rooftop na ulit kami ni Dylan na walang nangyaring masama at nakatayo lang na parang walang kakaibang nangyari.

"Ba't ka nandito?" tanong nito matapos siyang lumingon sa akin.

Kumunot ang aking noo, "Ha?" nagtataka kong tanong.

"Sinusundan mo ba ako?" pag-aakusa niya.

Umiling ako bilang pagsagot, "Kanina pa kaya kita kasama," depensa ko.

"Sa pagkaka-alam ko, ako lang ang nag-iisa dito," saad niya.

Mukhang hindi maalala ni Dylan ang mga nangyari. Wala siyang maalala na nagtangka siyang magpakamatay at muntikan na kaming dalawa na mamamatay dulot ng pagkakahulog namin mula sa rooftop.

Nakatitig lang siya sa akin ngayon na para bang na we-weirdohan sa akin. "Sigurado ka bang wala kang maalala?" Nagtataka kong tanong.

Umiling siya. "Wala naman. Teka, bakit ka ba nandito, Astrid?" Tanong niya muli.

Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako, "Uh, just checking up on you." Sambit ko.

"Alam mo pala ang secret place ko?" Tanong niya.

"Ah, nakita kasi kitang nakadungaw sa sementong harang." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Akala ko naman sinundan mo ako." Sambit niya saka tumawa.

Sinabayan ko rin siya sa kanyang pagtawa. Ilang minuto pa ay humupa na ang tawanan naming dalawa. "So, kumusta?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "Okay lang naman."

Tinaasan ko ito ng kilay, "Sure?" Paglilinaw ko.

"Mukha bang hindi?" Tanong niya pabalik sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Just making sure." Sambit ko saka nginitian siya."Dylan, kung may pinagdadaanan ka, you can always count on me."

"Sure, Astrid." Sambit niya saka ngumiti. "I thought magiging cold ka na sa akin."

Napakunot ako sa aking noo. "Ba't naman ako magiging cold sa'yo?" Nagtataka kong tanong.

"Cause you reject me, remember?" Diretsahan niyang sagot.

I laughed, "Reject ba tawag do'n? I'm just being honest with my feelings lang naman." Sambit ko. "We can still be friends though." Pagpapatuloy ko saka nginitian siya.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon