Chapter 1

871 65 36
                                    

i

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

i. happy birthday
───────

Everything is all set and ready.

Nakasabit na ang mga palamuti at dekorasyon sa dingding at kisame. Nabalot na rin ng napakaraming lobo ang bawat sulok ng sala.

"Happy Birthday, Carol! Happy, happy, happy birthday, Carol!"

I shifted my attention to my ever supportive, Tita Olivia. Kanina ko pa siya napapansin na nag-e-energy practice.

"Baka mapaos ka na kakapractice diyan sa greeting mo kay Mama, Tita." I laughed.

Lumingon siya sa akin. "I'm not practicing—I'm just reading the letter balloons on the wall."

I giggled. "Okay, whatever you say."

"Azrael, please turn off the lights." Utos niya sa anak at sinunod naman ito.

Alongside our meticulous preparations, the dining table is already set with a variety of dishes we've prepared, including the two-layered cake placed in the center of the table. Ngunit, may kulang pa upang makumpleto ang paghahandang ito.

Ang isang tao na bukod-tangi, mahalaga at napaka-importante sa amin—si Mama Carol.

Kasama ko sa paghahanda si Tita Ollie at ang kanyang anak na si Azrael. Tita Ollie, my mom's bestfriend, took a leave of absence from work to help us with the preparations.

Kasalukuyan kami ngayong naghihintay sa pagdating ng aking ina galing sa trabaho. Talagang maswerte kami dahil nasolo namin ang buong araw para sa paghahanda ng aming suprise birthday celebration para sa kanya.

Naging alerto kami ni Tita nang tumingin sa amin si Azrael.

"Paparating na si Tita Carol," bulong niya habang nakamasid sa bintana.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking ina. Dali-dali na nagtago si Azrael sa likod ng kurtina.

Pinagmasdan kong napadako ang tingin ni Mama sa kanyang cellphone.

"Astrid? Ba't ang dilim ng bahay? Hindi naman siguro tayo naputulan ng kuryente, ano?" wika niya kasabay ng pagbaba niya sa kanyang bag sa sofa.

"Astrid?" muli niyang tawag saka nagsimulang maglakad patungo sa switch ng ilaw sa sala.

I am currently standing next to the switch, ready to operate it as needed. "One, two, three," bulong ko.

Ang dating madilim na bahay, ngayo'y naging maaliwalas.

"Happy Birthday!" sabay naming bati at nagsimulang kumanta.

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday, Caroline🎶

Hindi mapinta ang mukha ni Mama, kitang-kita ko na halo-halo ang kanyang emosiyon. Gulat at saya—hindi niya rin maiwasang maging emosyonal sa nasaksihan. Pati ako, nagiging emosyonal na rin sa reaksyon niya.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon