Life had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
xl. visiting grandma ───────
Dinurog ng napakaraming tinik ang aking puso nang ipinagtapat ni Azrael sa akin ang katotohanan.
All this time, I was the one reponsible for my dad's death.
Sandamakmak na mga luha ang kasalukuyang umaagos sa aking mata at pumapatak sa aking hita habang pinagbubungatan ko ng galit ang mga inosenteng damo na aking hinihila sa lupa.
Hindi ko matanggap ang nangyari.
"May ipapakita ako sa'yo, Astrid," saad niya sa akin.
Napahinto ako sa paghila ng mga dahon saka mapaklang ngumisi sa pagitan ng pighating aking nadarama.
"Ayaw ko nang masaktan pa," tugon ko sa kanya.
Narinig ko ang pagsinghap niya, "Dahil nakita mo na naman ang nangyari, mas mabuting malaman mo na rin ang kasaysayan ng pakikipagkasundo ng iyong ina sa amin," paliwanag niya.
Ginantihan ko na lamang siya ng iling dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niyas saka nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"Mas nakabubuting huwag mo na lang ipaalam sa akin ang mga detalye, Azrael. Ayaw ko nang makita pa ang mga nangyari sa nakaraan tutal alam ko na naman ang dahilan kung bakit nakipagsundo si mama sa inyo," seryoso kong sambit.
Nagkibit-balikat si Azrael sa aking paliwanag, "Kung 'yan ang gusto mo," komento niya.
Nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya habang pilit na nilalabanan ang mga pag-iyak at ang sunod-sunod na hikbing kumakawala sa aking bibig.
"Take your time to fix yourself, alam kung masyado kang nabigla sa pangyayari," pahayag niya naman.
Tinutukoy niya siguro ang estado ko ngayon — nasasaktan, naguguluhan at wasak.
Diretso lamang ang aking paningin mula sa mga berdeng damo sa lupa na aking inuupuan at hinahayaan ang sariling magpakalunod mula sa malalim na pag-iisip.
At unti-unti na ring humuhupa ang umaagos na mga luha sa aking mata.
"Alam mo ba kung nasaan nakatira ang lola ko?" tanong ko nang hindi tumitingin kay Azrael.
"Hindi ko alam," tugon niya.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatuon ang tingin sa ilog.
"Bakit hindi mo alam? Anghel ka naman," komento ko.
"Hindi ibig sabihin na anghel ako, alam ko na ang lahat," paliwanag niya saka lumingon sa akin, "May limitasyon ang aking abilidad," dagdag niya.
Napayuko na lamang ako mula sa kanyang sagot.
"Bakit mo naman gustong malaman kung nasaan ang ina ni Tita Carol?" tanong niya sa akin.
Muli akong nagtaas ng tingin mula sa direksiyon niya, "Gusto ko siyang makita at may mga importante akong bagay na itatanong sa kanya," paliwanag ko.