Life had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
xiv. horrible trouble ───────
Naging maayos naman ang midterm exams namin. Masaya rin ako kasi kahit papaano lumabas sa exam ang mga pinag-aralan ko. Hindi talaga nasayang 'yong tiyaga ko sa pag-aaral gabi-gabi at sa madaling araw. Natitiyak ko ring makakakuha ako ng mataas na marka ngayong 2nd semester.
Siniko ako ni Dorothy sa braso, "Astrid, nahahalata ko parang iniiwasan ka ni Seb, noong nasa cafeteria kasi tayo kanina, parang iniiwasan ka niya. Dati siya pa 'yong pumupunta sa table natin at kinukulit ka kaso nang mga nagdaang araw at 'yong kanina, umiiwas talaga siya sa'yo," nagtataka niyang sambit.
Last day na ngayon ng aming midterm exams at kakalabas lang naming dalawa sa classroom. Naglalakad kami ngayon patungong school grounds para tumambay sa harap ng field. Maaga kasing natapos ang exam at hindi pa rin dumadating ang sundo ni Dorothy.
Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay. "Mas mabuti na ngang ganyan." Pangangatwiran ko. Gusto ko ng mapayapang buhay, 'yong walang tao na nangungulit sa akin.
Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Hmm, I smell something fishy. May nangyari bang war sa inyong dalawa?" Usisa niya.
Umiling ako. "Wala naman. Baka siguro narealize niya lang na dapat na siyang tumigil sa mga pinag-gagawa niya sa akin." Pagsisinungaling ko.
Tinaasan niya muli ako ng kilay, "Tumigil?" Bulalas niya. "Hindi naman ganyan si Sebastian. Isusugal niya talaga lahat mapansin ka lang niya. Kaso, nakakapanibago lang kasi hindi na siya nakikipag-usap sa iyo." Sambit niya.
Napahawak ako sa aking dibdib, "Grabe? Isusugal talaga lahat?!" Saad ko saka tumawa. "Baka nagsawa na siya sa akin kaya hindi na niya ako kinukulit pa and guess what Dorothy, it's a good thing." Wika ko habang patuloy na tumatawa.
Siniko ako ni Dorothy sa tagiliran. "Aysus! Alam kong mamimiss mo rin ang pangungulit niya sa iyo." Saad niya habang nakangisi.
Inirapan ko siya saka umiling, "No. Never. Nakakairita kaya siya, Dorothy. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, magiging masaya ka ba kapag may taong nangungulit at bumubulabog sa araw mo?" Depensa kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat siya, "Siguro, ewan, depende." Nagdadalawang-isip na sagot nito.
Napasapo ako sa aking noo, "Straight to the point answer, Dorothy," reklamo ko sa kanya.
Umiling ito, "I don't know, I've never been in your situation. But make sure, Astrid ha na you won't miss the pangungulit of Sebastian, baka sooner or later, magsisi ka," pangangaral nito sa akin.
Napahampas ako nang mahina sa kanyang braso, "I wont, Dorothy," proud kong sambit saka nag-alay ng matamis na ngiti sa kanya.
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Well, let's see," paghahamon niya sa akin.
Totoo naman na hindi ko mamimiss 'yong mga pangungulit ni Sebastian sa akin. Kung alam lang ni Dorothy ang nangyari last monday, siguradong maiintindihan niya ako.