xxvii. getting ready
───────Nagsitaasan ang aking mga balahibo sa kamay, braso at batok. Naramdam ko ring parang may umaakay sa aking katawan.
"Sa susunod mag-ingat ka," sambit ng isang misteryosong tao sa akin.
Agad akong napamulat sa aking mga mata para malaman kung sino ang taong nagligtas sa akin ngunit nadismaya ako dahil hindi ko siya nakita.
Napagtanto kong nakatayo ako sa parking lot habang hawak-hawak ang aking bisikleta. Lumingon ako sa aking paligid at napansin kong normal lamang ang lahat na para bang walang aksidente na nangyari. Wala rin akong kasama rito o masasabi kong hindi ko kasama ang tao na nagligtas sa akin kani-kanina.
Naguguluhan ako kung ano ang nangyari, kani-kanina lang nasa gitna ako ng kalsada at may isang napakaputing liwanag na bumungad sa buong paligid.
Tinignan ko ang nanginging kong kamay, may kaunting galos na natamo ito, siguro ay dulot ng aking pagkahulog sa sinasakyang bisikleta.
"Ano bang nangyari? Bakit ako napunta rito?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili habang naglalakad patungo sa mga bisikletang nakaparada malapit sa akin.
"Totoo ba 'yong nangyari kanina? Bakit parang walang nangyari" tanong ko muli sa aking sarili.
Isinawalang-bahala ko muna ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan saka nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos iparada ko ang aking bisikleta, mabilis akong nagtungo sa loob ng silid-aklatan dahil batid kong hinahanap na ako ni Dorothy.
"Isulat mo muna ang iyong pangalan sa log book, iha," saad ng librarian nang makita niya akong dumiretso lang sa pagpasok.
Napahinto ako at napatingin sa kanya, tumango ako saka inabot niya sa akin ang log book. Napasandal naman ako sa mesa para isulat ang mga detalye na hinihingi sa log book.
"Library card mo, Astrid?" napa-igting ang aking katawan dahil nabigla ako sa seryosong tono sa boses ng librarian mula sa aking likuran.
Hindi ko namalayan na nagmamatyag pala siya sa aking ginagawa.
Dali-dali ko namang kinuha sa bag ang aking Library ID saka ipinakita sa kanya, "Heto po ang ID ko," tugon ko saka pinagmasdan naman niya ito.
Ibinaling niya ang kanyang paningin sa akin, "Malapit ng ma-expire ang ID mo, iha," komento naman niya, "Hanggang dalawang buwan mo na lang 'yan pwede gamitin," paliwanag niya sa akin.
Tiningnan ko muna ang ID bago ko ibalik sa aking sa bag, "Oo nga po," komento ko saka nag-angat ng tingin sa kanya.
"Baka gusto mong magre-new ng ID, pwede kang magre-new ngayon," pag-aalok niya.
Umiling ako bilang pagtanggi sa kanyang sinabi, "Pasensya na po, Ma'am, sa susunod na lang po siguro may pag-aaralan pa kasi ako saka hinihintay na ako ng kasama ko sa taas," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Soulmate: The Other Half
RomanceLife had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...