xviii. sos
───────Now playing:
I Don't Love You
00:00●━━━━━━━━━ 03:59
⇆ㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤ↻Ilang araw na akong nakikinig sa kantang 'yan pero hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ito nang paulit-ulit. Talagang tumatak at naukit na sa aking isipan ang mga huling sinabi ni Wave noong nasa sementeryo kami. That song really fits on what I deeply felt the moment he slapped the truth that he doesn't feel the same way with me. And that's when the reality plays its role, no matter how we love a person, they can't love us back. Simply because we are not meant for them and they are meant for us. Sad but a painful truth.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong huli kong makita si Wave. Sariwa pa rin ang sakit at ang katotohanan. Pagkauwi ko sa bahay last Sunday, humagulgol ako sa pag-iyak at nagkulong sa kwarto. Pinagtagpi-tagpi ko rin ang mga rason kung bakit dumi-distansya siya sa akin sa tuwing lalapit ako sa kanya. Una, 'yong araw na galing kami sa ilog ng Dreamy Haven at habang naglalakad kami, nadapa ako sa mga bato at hindi niya ako tinulungan. Pangalawa, 'yong hindi niya magawang makipag-shake hands sa akin nong araw na nagpunta siya dito sa bahay. Batid ko talagang may tinatago na siya sa akin.
Nang araw din na iyon, pinili kong hindi humarap o kumausap ng mga tao kahit si Azrael o Tita Ollie pa man niyan. Hindi rin ako kumain ng tanghalian at hapunan dahil wala akong gana. I felt depressed and sick. May kirot din na nararamdam ang aking puso. Pinilit ko ring umaktong normal sa harap ni Dorothy, sa harap ng aking mga kaklase at guro. Mahirap magkunwari pero sinisikap ko pa ring makihalubilo nang maayos sa mga taong nakakasalamuha ko sa eskwelahan. At kapag uwian naman, dumidiresto agad ako sa bahay para magkulong na naman sa kwarto. Iyan ang naging routine ko last week. Hindi na rin nagparamdam o nagpakita si Wave. Mabuti naman kasi hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin kapag nandiyan siya. Aminado naman akong hindi ako baliw. I am not also experiencing schizophrenia. Normal ako. I don't want to lose myself just because I can see his ghost.
Kinuha ni Dorothy ang earphone na nakapasak sa kabila kong tainga. Nainis naman ako sa ginawa niya at nakakunot-noo ko siyang tinitigan.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ba't parang biyernes santo yang mukha mo ha?" Tanong niya saka kinuha ang phone ko. "I don't love you na naman? On repeat pa? Last week ka pang nakikinig nito, broken hearted ka ba, Astrid Tate?" Nakakunot-noo niyang tanong sa akin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya kaya inilagay na lang niya ang phone ko sa mesa ng armchair ko. Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha ang bakanteng upuan na nasa aking harapan. Iniharap niya ito sa direksiyon ko at umupo siya, pinagmasdan naman niya ako nang maigi na para bang inooserbahan ang mukha ko. "Wow. Si Astrid Tate Craden, nagda-drama." Sambit niya saka pinisil ang aking pisngi.
Tinapik ko ang kamay niya. "Wala lang ako sa mood." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Tinaasan niya ako ng kilay."Wala sa mood? May nangyari ba?" Nagtataka niyang tanong. Tinatamad akong magpaliwanag sa kanya kaya isinubsob ko na lang aking sarili sa mesa ng armchair.
BINABASA MO ANG
Soulmate: The Other Half
RomanceLife had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...