Life had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
xxxii. recollection of memories and moments ───────
Sariwa pa sa aking isipan ang mga naganap kahapon. Hindi ko akalain na ganoon pala ang mararanasan ko lalo na't hindi ko naman tipo ang alinmang mga bagay na naghahatid lamang ng mga kadramahan sa aking buhay.
Ngunit ipagtatapat kong naging masaya ako sa mga nangyari. Hindi ko man maipahayag nang maayos ang aking nararamdam pero nag-uumapaw ang aking kagalakan sa mga taong ipinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa at binibigyan nila ako ng halaga.
Umalingawngaw ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking pinto.
"Astrid, gising ka na ba?" boses ni Amber ang narinig ko kaya dali-dali akong humiga sa kama at magkunwaring natutulog pa.
Sa totoo lang, ayaw ko munang makipag-usap sa kahit na sinong tao. I guess I have drained my social battery yesterday.
Narinig ko ang tunog ng dahan-dahan na pagbukas ng pinto.
"Natutulog pa nga, siguradong napagod to kahapon," dinig kong komento ni Amber.
Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto hudyat na umalis na siya.
Bumuntong-hininga muna ako bago bumangon sa aking higaan saka idinako ko ang aking paningin mula sa larawan ni Wave na komportableng naka-display sa ibabaw ng aking side table.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang larawan niya noong bata pa siya at pati na rin sa alaala na naganap kahapon sa mismong bahay niya.
"Parang nasasanay ka nang hawakan ang kamay ko," sambit ni Wave habang naglalakad kami sa hallway ng ikatlong palapag ng kanyang bahay.
Automatiko akong napabitaw sa paghawak sa kanyang kamay.
"Ako pa talaga ang nasasanay? Hindi ba't ikaw 'yong madalas na hinahawakan ang kamay ko?" depensa ko mula sa kanyang sinabi saka humakbang nang mabilis para maunahan siya sa paglalakad.
Pasimple akong napa-irap habang diretso lang sa paglalakad kahit walang ideya kung saan patungo.
Naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay at ipinagsaklop ang mga ito kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya saka sinamaan siya ng tingin.
"Ang dali mo naman mapikon, Craden, nagbibiro lang ako," saad niya saka hinila ako at tumama ang aking katawan sa kanya.
Biglang uminit ang aking pisngi at nagsitaasan ang aking balahibo sa kamay at braso habang ang puso ko naman ay parang nasa isang karera ng pabilisan ng pagtakbo dahil sa malakas at mabilis na pagtibok nito.
Nang mapagtanto kong nakasandal ang aking mga kamay sa kanyang dibdib, agad akong dumistansya at lumayo sa kanya. Mabuti na lang at binitawan niya ang kamay ko.
"Ahem!"
Napaigting ang buo kong katawan mula sa boses na biglang sumingit sa sandali namin.