xxxiv. seeing the past
───────"William?" gulat kong tanong sa kanya saka idinako ko ang aking paningin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.
Bumitaw naman siya sa pagkakahawak sa aking braso nang matauhan siya sa ginagawa saka muli naman akong nagtaas ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata.
Ngumiti siya sa akin, "Ang ganda mo, Astrid," compliment niya sa akin.
Napangiti ako nang pilit mula sa sinabi niya, "Bakit ka pala nandito?" pag-iiba ko sa usapan.
"Gusto lang kita kumustahin," sagot niya, "Hindi ko kasi akalain na sasali ka pala," dagdag niya sa kanyang sinabi.
Tumawa ako nang mahina, "Ako nga rin, hindi ko inakala na sasali ako," komento ko saka napangisi naman siya sa aking sinabi.
"Astrid!"
Narinig ko ang boses ni Wave na tumawag sa akin sa likuran pero bago pa ako makalingon sa likod, hinawakan nang mahigpit ni William ang aking kamay at marahan niya akong hinila palayo sa back stage.
"Bitiwan mo ako William!" pagpupumiglas ko mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa aking kamay.
Lumabas kami mula sa nakabukas na pintuan saka kinaladkad niya ako sa tahimik na hallway. Hindi niya pinapakinggan ang aking hinaing at kahit anong pagpapabigat ko sa aking katawan para lang hindi niya ako mahila ay wala ring kwenta dahil mas hamak na malakas siya pwera sa akin.
Kinakabahan ako mula sa kanyang ginagawa at nahihirapan din akong sumabay sa paglalakad dahil nakasuot ako ng gown at saka ng heels.
"Bitiwan mo nga ako!" galit kong sambit ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad.
Tanging ang tunog lamang ng aming mga yapak ang umaalingawngaw sa buong paligid at walang mga taong nandito dahil nandoon sila lahat sa loob ng gymnasium.
Hindi pa kami nakakalayo sa dati naming puwesto ngunit biglang huminto si William at bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa aking kamay.
Agad akong umatras palayo sa kanya habang haplos-haplos ang humahapdi kong kamay at saka tinalikuran siya at sinikap na maglakad nang mabilis patungo sa stage dahil hindi ako komportableng tumakbo dahil sa suot ko saka sinusulit ko na rin ang pagkakataon na makatakas mula sa kanya.
Nang malapit na ako sa nakabukas na pintuan, naaninag ko na ang mga tao ngunit may napansin lang ako na kakaiba sa kanila.
Binilisan ko agad ang aking paglalakad at nang pagpasok ko sa pinto, tumambad sa aking harapan ang hindi gumagalaw na mga tao at ang dating mabilis kong paglalakad ay napalitan ng mabagal na mga hakbang habang nakamasid sa mga taong nagmimistulang mannequin dahil hindi sila gumagalaw.
BINABASA MO ANG
Soulmate: The Other Half
RomanceLife had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...