xx. the nuisance
───────Hindi ako nagtaas ng tingin kay Wave na ngayo'y nakaupo sa tabi ni Dorothy, nakapokus lang ako ngayon sa aking pagkain. Bukod kasi sa kaba na aking nararamdaman, hindi rin ako komportable sa presensiya niya dito.
"Oy! Astrid, hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko kanina," saad sa akin ni Dorothy.
Napahinto naman ako sa pagkain at nagtaas ako ng tingin sa kanya, "Ano nga ba 'yon?" pagmamaang-maangan kong tanong.
Itinuro niya ang kanyang hawak na tinidor sa akin, "Ikaw ha, na amnesia ka na ba? Ang sabi ko, sasali ka na ba sa prom, kasi for sure yayain ka ni Dylan maging partner," pag-uulit niya.
"Sino si Dylan?" singit ni Wave sa usapan namin.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Wave kasi baka magtaka si Dorothy kung sino ang kinakausap ko.
Nagkibit-balikat ako sa kanya, "Siguro, pag-iisipan ko pa."
"Dapat lang na pag-isipan mo 'yan Astrid! Gusto kong nandoon ka sa prom," sambit niya bago isinubo ang pagkain na nasa kanyang kutsara, "At huwag mo na ulit i-turn down si Dylan," pagpapatuloy niya habang nakanguya sa pagkain.
Kumunot ang aking noo, "Kailan ko pa siya tinurn down?" reklamo ko.
Nagkibit-balikat ito, "Ewan ko? Siguro noong nag confess siya sa'yo?" hindi sigurado nitong sagot.
Napadako naman ang aking paningin sa kinaroroonan ni Wave, seryoso itong nakatingin sa akin ngayon, "Kailan siya nag confess sa'yo?" tanong nito sa akin at para na rin hindi na sumingit itong si Wave sa usapan naming dalawa.
Napahawak naman ako sa aking noo, "Hays! Oo na, Dorothy," sagot ko para hindi na siya dumugtong sa usapan.
"Yikes, kinikilig ako," komento niya pa.
Hindi na ako nagsalita pa at napailing na lang sa sinabi niya.
Ilang minuto ang nakalipas, nakaramdam ako na parang may sumipa sa aking paa kaya tiningnan ko ng masama si Dorothy ngunit nakapokus lang ito sa pagkain at halatang walang ginagawa sa akin. Pero nakita kong may ginagawang kalokohan si Wave sa tabi niya na siyang mas nagpakaba sa akin.
Kasalukuyan ngayong itinataas ni Wave ang iilan sa hibla ng buhok ni Dorothy habang nakatuon ang paningin sa akin. Tinitigan ko siya ng masama ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa. Ibinaling ko naman ang aking paningin kay Dorothy na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Hinaplos ko nang sadya ang buhok ni Dorothy para hindi na ito mukhang lumulutang, "Ang ganda talaga ng buhok mo, Dorothy," saad ko.
Naramdaman kong sumagi ang aking kamay sa mga daliri ni Wave ngunit parang malamig na hangin lang ang tumagos sa kamay ko. Nagtagumpay naman ako sa aking ginawa at binitawan na niya ang buhok ni Dorothy.
BINABASA MO ANG
Soulmate: The Other Half
Roman d'amourLife had seemed ordinary for Astrid until the death of her beloved mother shattered her world, leaving her in chaos. The loss felt like a vast emptiness, consuming her sense of self. In a desperate attempt to fill the void, Astrid frequently visits...