Chapter 19

240 18 91
                                    

xix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xix. kill joy
───────

Matapos kong tanggihan ang sinabi ni William, binuksan ko agad ang pinto at lumabas. Hindi naman niya ako pinigilan sa aking pag-alis. Siguro ay sapat na sa kanya ang aking rason.

Wala na akong pakialam pa tungkol sa nangyari sa pagkamatay ni Wave. Honestly, hindi ko naman talaga siya kilala noong nabubuhay pa siya. Ni wala rin akong ideya kung sino talaga siya bukod sa pagiging multo niya kaya labas na ako sa mga nangyayari sa kanyang buhay simula noong pumanaw na siya.

Tinahak ko ang hallway kung saan kami dumaan kanina para makabalik ako sa event. Nang makarating ako sa labas ng event, nakita kong hindi pa ito natatapos kaya hindi na muna ako pumasok.

May nakita akong bench sa gilid, nagtungo ako doon at umupo. Hihintayin ko na lang sila Tita at Azrael dito kung sakaling matapos na ang event.

Habang naghihintay na matapos ang fashion show, inaliw ko muna ang aking sarili sa pagbo-browse ng facebook.

"Nandito ka lang pala." Bungad sa akin ni Azrael.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya matapos kong i-off ang phone at inilagay ito sa bulsa. Umupo siya sa tabi ko. Nakita ko rin na may iilang mga tao ang nagsisilabasan hudyat na tapos na ang event.

"Kanina ka pa dito?" Tanong niya.

Tumango ako, "Oo. Si Tita nasaan siya?"

"Nasa loob pa." Sagot nito habang nakatingin sa aking likuran.

Nagtaka naman ako kaya hindi ko mapigilang lumingon sa likod. Nang makalingon ako, nagulat ako nang aking makita si Chanel, naglalakad siya patungo sa aming puwesto.

"Hi, Astrid." Bati niya sa akin.

Sinundan ko naman siya ng tingin habang umuupo sa tabi ni Azrael. Natitig naman si Azrael sa kanya.

She dramatically cupped Azrael's cheeks, "Hey, babe."

Azrael smirked, "Hey, sexy." He replied.

Chanel laughed and pinched his nose, "Shh.."

I rolled my eyes in annoyance. Pati ba naman sa harapan ko maglalandian silang dalawa. Aba! Respeto naman.

Ilang minuto rin silang nag-usap bago umalis si Chanel.

"Bakit siya nandito?" Tanong ko kay Azrael.

Nilingon niya ako, "She was invited by a friend."

"Oh, okay."

Tumayo si Azrael.

"Ma." Tawag niya kay Tita. Nakita kong papalapit si Tita sa amin kaya tumayo na rin ako.

Huminto siya sa aming harapan.

"Sorry for waiting you guys, I just had a brief conversation with the clients." Pagpapaliwanag ni Tita, "So, let's go." Dagdag niya.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon