Chapter 23

167 8 51
                                    

xxiii

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xxiii. much awaited event
───────

Matapos mai-parking ni Tita ang kanyang sasakyan, sabay kaming lumabas sa kotse at naglakad palabas ng parking lot. I've seen some familiar faces sa mga ka batchmates ko na ang elegant din tignan ng kanilang mga suot, akala mo nama'y dadalo sa Met Gala.

Well, I guess they take it seriously, sino ba naman ang magpapalampas sa isang napaka-importanteng event na sa junior at senior high year lang natin mararanasan, as what Dorothy claimed.

They all look so different, maybe because they want to look beautiful in the eyes of their dates or their crushes.

"Tita Ollie!"

Lumingon si Tita sa likod. Bukod sa pamilyar na boses, alam ko na agad kong sino ang tumawag kay Tita, walang iba kundi si Sebastian. Hindi naman ako nag-atubiling lumingon pa sa likod para masilayan ko ang pagmumukha niya.

"Seb, gwapo ah," narinig kong bungad ni Tita kay Sebastian.

Kahit hindi ko man nakikita ang hitsura ni Sebastian, I know he's good looking.

"Of course, gwapo since birth, Tita," pagmamalaki ni Seb.

Napairap ako sa pagiging arogante niya.

"Ang taas ng self-love," komento naman ni Tita saka tumawa silang dalawa.

"Dagdag confidence na rin," tugon ni Seb, "Si Astrid ba 'yan, Tita?" pag-iiba niya sa usapan.

Hindi sinagot ni Tita ang kanyang tanong o siguro sinagot through actions.

Naramdaman kong tinatapik-tapik ni Seb ang balikat ko, "Hey, Astrid."

Nilingon ko siya, "What?" matamlay kong tugon.

Napatitig siya saglit sa akin, "God, you're so... different," komento niya.

I suddenly remember what Azrael said to me earlier that I look 'normal' and there's his best friend, saying, I look 'different'. Too opposite.

I raised my eyebrow, "I know," saad ko saka muli siyang tinalikuran.

"Sebastian Radleigh," tawag ni Tita kay Seb.

Napalingon naman ako kay Tita dahil sa pangalang tinawag niya kay Seb. Weird.

"Matanong ko lang bakit hindi mo niyaya si Astrid na maging date?" diretsahan niyang tanong.

Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. Bakit naman naitanong 'yan ni Tita.

"Ah, nabanggit kasi ni Astrid, Tita na hindi siya sasali sa sayaw kaya hindi ko na lang siya niyaya," sagot naman ni Seb, "Alam mo naman na hindi talaga mapipilit itong si Astrid," dagdag niya saka siya naglakad sa harap ko.

Nag-angat ako ng tingin at tiyempong nagkatinginan kaming dalawa. Una naman akong nag-iwas ng tingin.

Akala ko sasabihin niya ang totoo. Sabagay, ayaw niya sigurong ipaalam kay Tita kung paano ko siya tinanggihan ng dalawang beses sa pag-aaya niya sa akin.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon