Chapter 17

245 20 87
                                    

xvii

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xvii. discovering a secret
───────

Hindi na kami nakapag-usap ni Dorothy matapos ang picture taking kasi busy siyang i-entertain ang mga guests niya pati na rin ang ibang mga friends niya. Though I need her to be with me kasi I feel out of place. But I know, hindi lang naman ako ang isa sa mga priorities niya. She is the main character tonight kaya I understand that I can't always stick with her. May mga kakilala rin ako na invited dito just like my classmates pero I'm not close with them. Hays. Perks of being not so friendly - palagi kang out of place sa eksena.

Because of the boredom and feeling alone, nandito ulit ako naka-upo sa harap ng fountain. Kakatapos ko lang kumain at gusto ko munang mapag-isa. Hinihintay ko rin na bumalik dito si Azrael kasi hinatid pa niya si Chanel sa kanila. Nagboluntaryo naman si Sebastian na ihatid ako pero tinanggihan ko siya, ayaw ko muna siyang makasama. Mas mabuting layuan muna namin ang isa't isa.

"Oh, you're still here? Di ka pa ba bumabalik sa loob mula nang umalis ako dito?" Napalingon ako sa lalaking nagsasalita. Siya 'yong lalaking nakausap ko kanina at nakita kong nagperform sa harap.

"Pumunta naman ako sa loob. Kakabalik ko lang ulit dito." Sagot ko at ibinaling ang tingin sa makukulay na ilaw sa fountain.

Napansin kong umupo siya sa tabi ko.

"I guess, you're not a people person, Astrid." Sambit niya.

Tiningnan ko siya. "Maybe." Sambit ko at nagkibit-balikat.

"I'm William." Pagpapakilala niya at tumango lang ako saka nag-iwas ng tingin.

Nagdadalawang isip akong itanong sa kanya kung kilala niya ba si Wave. Parang ang feeling close ko naman kung ganoon.

"Ang tahimik mo naman." Komento niya sa akin.

Napalingon ako sa kanya. "Sorry. Wala lang kasi akong masabi." Sambit ko.

"It's alright. Maybe you find peace in silence."

Yes pero nag-iisip kasi ako kung itatanong ko ba kay William ang tungkol kay Wave. Nakakahiya naman. Bahala na nga.

"Uhm, so may banda ka pala? Nakita kitang kumanta kanina." Tanong ko.

"Yes." Sagot niya.

"I guess, kilala mo siguro si Wave." Diretso kong sambit at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Yes, he's part of the band... before." Sambit niya. "Why do you ask? Did you know him?" Tanong niya.

Tumango ako bilang pagsagot.

"How?" Curious niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi ako kaagad sumagot.

"Are you one of his fan girls?" He asked.

"Sort of." I answered.

*brrr... brrr... brrr...*
*

Biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa aking purse bag at nakita kong tumatawag si Azrael.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon