Chapter 4

454 55 89
                                    

iv

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

iv. back to normal?
───────

Dalawang araw ang nakalipas at pinipilit ko pa rin magpaka-normal at magpadala sa agos ng buhay. Kahit sariwa pa ang sakit ay pinipilit kong mamuhay ng naayon sa nakasanayan kong gawi. Mahirap tanggapin ang katotohanan na may mga tao talagang mawawala sa ating buhay kaya kinakailangan na palagi tayong handa kung dumating man ang araw na iyon.

Ngunit hindi madaling lumimot sa mga pinagsamahan. Hindi madaling kalimutan ang nakaraan sapagkat namamalagi pa rin sa ating puso't isipan ang mga alaala at ang mga nararamdam.

Kaso nga lang, may hangganan ang buhay at hindi tayo mamalagi nang napakatagal sa mundo at hindi rin natin maaaring makasama ang ating mga pamilya at kaibigan sa habang-buhay kaya dapat nating pahalagahan ang mga taong malapit sa atin. Pahalagahan ang buhay na inilaan ng Panginoon sa atin dahil tayo'y maswerte na pagkalooban ng pribelihiyong mabuhay.

Iyan lamang ang ilan sa mga natutunan ko sa subject na Philosophy. Lahat ng tao ay may kinakaharap na mga hamon, suliranin at problema sa araw-araw na pamumuhay at naaayon lamang sa ating sarili kung paano natin haharapin ito.

At kung sino ang unang sumuko, siya rin ang talo sa buhay. Ngunit hindi rin natin masisisi ang mga taong piniling sumuko sa hamon ng buhay sapagkat sila ang may hawak ng kanilang kapalaran. Hindi natin alam ang kanilang pinagdadaanan kaya hanggang intindi at respeto na lamang ang ating mai-aalay sa kanila.

So much for life lesson. Ito talaga ang dulot kapag natutunan na natin kung paano makipaglaro ang buhay. Tiyak na nakapupulutan ng aral. Bukod pa riyan, noong isang araw ay naging mabuti naman ang daloy ng aking pamamalagi sa bahay. Nandoon pa rin ang lungkot, pangungulila at pagdadalamhati na aking nararamdaman ngunit hindi na ako nagpapadala. Inaaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagpipinta at pagdo-drawing ng kung anu-ano sa umaga at hapon. Sa ganoong paraan gumagaan ang aking kalooban. Sinasabayan ko ring magpatugtog ng aking mga paboritong kanta para matapakan ang mga lungkot na aking dinadala.

Kahapon, niyaya ako ni Tita Ollie na sumama sa kanila sa mall. Tumanggi ako pero napa-oo rin sa huli dahil sa mga kumbinsi ni Tita.

Sino ba naman kasi ang a-ayaw kapag ililibre ka ng artmats (art materials), libro at saka pagkain? 'Di ba, wala?

Kasama rin si Azrael sa amin pero humiwalay din siya sa amin dahil may ka meet-up daw siya.

Inabot naman kami ng limang oras ni Tita kagagala sa loob ng department store, binilhan niya rin ako ng black dress at combat shoes. Sabi niya bagay daw 'yon sa akin. Sumangyon naman ako dahil gusto ko talaga iyong mga pormahan na gano'n. And the fact na napaka fashionista rin kasi nitong si Tita kaya ang ganda ng taste niya when it comes to clothing.

Matapos ang session namin ay nag-aya naman siyang manuod ng sine pero hindi na kami natuloy kasi gabi na. Kumain na lang kami sa isang resto at pagkatapos umuwi. Inaamin ko rin na naging masaya ako sa bonding namin kahapon.

Soulmate: The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon