Chapter 2: Hormones

183 6 0
                                    

LISA's POV 

Bumangon na ako atsaka ko pinatay yung TV dahil nabo-boring na ako.

Pumunta ako sa closet ko para mag-bihis, pupunta ako ng mall, maghahanap ako ng makakain ko, ayaw ko ng mga pagkain dito sa bahay, pakiramdam ko kasi ay lahat yun natikman ko na at nakakasawa na kahit isang beses ko pa lang namang natikman.

Nang makapag-bihis na ako ay tinawag ko na ang driver at pina-prepare ko na yung sasakyan ko atsaka ko tinawagan si Jungkook.

Ilang ring lang ay sinagot nya na yun.

"Love?" 

"Do you need anything Love?" agad akong napangiti ng marinig ko yung boses nya.

"Nothing, magpapaalam lang sana ako" 

"Saan ka pupunta Love?" 

"Sa Mall"

"Love naman, hindi ba pwedeng iutos mo na lang, baka kasi mapagod ka" nasisiguro kong mag-kasalubong na yung kilay nya ngayon.

"No, exercise pa nga yun eh and gusto ko ako mismo pipili ng kakainin ko" nakangusong dahilan ko sa kanya.

"May magagawa pa ba ako"

"Wala na" natatawang sabi ko sa kanya.

"But Love, wag kang masyadong mag-pagod"

"Oo na"

"Mag-pahinga ka pag-dating mo, papagurin pa kita mamaya" muling nangamatis ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nya, napaka-dumi ng isip.

"Tigilan mo nga yang kamanyakan mo Love, sige na aalis na ako"

"Mmm, yung bilin ko Love"

"Oo na! Bye, I love you"

"I Love you and our baby more"

Pinatay ko na yung tawag at tsaka lumabas na ako ng bahay, pag-labas ko ay nakahanda na ang sasakyan.

Ilang minuto lang ang byahe namin, hindi naman kasi ganun kalayo yung mall magmula dito sa bahay namin.

Sinabihan ko yung driver na tatawagan ko na lang sya pag-susunduin nya ako...

Pag-pasok ko sa Mall ay nag-ikot ikot ako hanggang sa mahinto ako sa isang baby boutique, pumasok ako dun at namangha naman ako sa ganda at aliwalas nung boutique na yun, at ang gaganda din nung mga damit ng baby.

Nag ikot-ikot ako dun at madami ding mga buntis kasama yung mga asawa nila ang nag-titingin dun, karamihan ay may baby bump na. Tumingin tingin lang ako dahil hindi naman ako pwedeng bumili pa dahil hindi pa naman namin alam yung gender nung baby namin.

"Good Morning ma'am, how can I help you?" nakangiting tanong nung isang sales lady.

"A-ahh hindi ako bibili nagtitingin lang, I still don't know my baby's gender kaya hindi pa ako makakabili" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Well, ma'am meron naman po kaming mga unisex na baby clothes, do you want to check it out ma'am?" tila naman nagliwanag ang mga mata ko ng marinig ko yun.

"Yes please" nakangiting sagot ko sa kanya.

"This way ma'am" 

Iginiya nya ako sa pinaka-dulong part nung boutique, madaming pagpipilian dun kaya naman lalo akong natuwa.

"All of the clothes here ma'am are made by a famous designer from around the world kaya medyo may kamahalan din po, but it's worth it kasi magaganda naman po yung mga fabrics na ginagamit" tumango tango lang ako sa kanya.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon