Chapter 16: Lucky to have him

80 2 0
                                    

LISA's POV

"Love" tawag ko sa kanya ng makapasok na sya sa loob ng bahay, agad ko naman syang sinalubong ay niyakap.

Halatang halata ko sa muka nya na pagod na pagod sya dahil sa trabaho.

"Love" tawag nya din sa akin atsaka ako mabilis na hinalikan sa mga labi ko "I'm sorry hindi ko nasagot yung tawag mo, nasa meeting ako kanina"

"It's ok Love, I Understand" malambing na sabi ko sa kanya "Umakyat ka na sa taas, magbihis ka na para makakain na tayo"

Isang tango lang ang isinagot nya sa akin at nag-tungo na papunta sa taas ako naman ay dumeretso na papunta sa dining at tumulong na mag-gayak ng mga pagkain at pinggan.

Saktong pagkayari namin ay nakababa na si Jungkook.

"Let's eat na Love" nakangiting sabi ko sa kanya, dumeretso na sya sa pwesto nya atsaka na-upo.

Kagaya ng lagi nyang ginagawa ay kinuha nya ang plato ko at nilagyan yun ng pagkain "How's work Love?" tanong ko sa kanya habang busy'ng busy sya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Mmm It's fine, natapos na namin lahat ng kailangan naming tapusin bago yung anniversary bukas" sagot nya sa akin atsaka ibinaba yung plato ko na umaapaw sa dami ng pagkain na nilagay nya.

"Anong oras yung party bukas?"

"8:00 Pm at Lolo and Lola's mansion" sagot nya sa akin "By the way may susuutin ka na Love?" dagdag na tanong nya.

"Meron na, I ask Jennie and nagpadala sya ng mga gowns and dresses kanina na pag-pipiliian ko"

"I wanna see it" nakangiting usal nya sa akin.

Inubos ko muna yung laman ng bibig ko bago ko sya sinagot "Bukas na lang! It's a surprise!"

"Tsh, I want to see it, I haven't seen you wearing a gown while pregnant" dahilan nya.

"You'll see it tomorrow"

"Love naman"

"Makikita mo naman eh! Hintayin mo na lang kasi" nakangusong anas ko sa kanya.

"Fine, fine"

Tss susuko din pala eh!

Nag-patuloy lang kami sa pagkain at pag-ku-kwentuhan. Nang mayari kami ay agad din kaming umakyat sa kwarto dahil alam kong pagod sya

Inalalayan nya akong humiga sa kama bago sya humiga sa tabi ko, inihiga nya ako sa braso nya at inilapit nya ako sa kanya.

"How's your day Love?" tanong nya sa akin.

"It's fine but I really miss you! Sobrang busy mo kasi this week eh" naka-ngusong sagot ko.

Hinalikan nya ako sa ulo ko bago sya nagsalita "I'm sorry" sinderong usal nya.

Nag-angat ako ng tingin para tignan ang asawa ko "Love" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" pa-tanong na usal nya.

"I Miss You" malambing na usal ko sa kanya "I Love You" dagdag ko pa.

Nakita ko naman na napa-ngiti sya dahil sa sinabi ko, Nakaka-miss naman yung ngiti ng asawa ko!

"I thought you're mad at me"

"Mmm, maybe not mad, nagtatampo lang ako, kasi naman matutulog ako ng hindi ka nakikita tapos gigising ako ng wala ka sa tabi ko! Tapos saglit lang kitang nakakausap, sinong hindi magtatampo?" masungit na tanong ko sa kanya na ikinatawa naman nya.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon