Chapter 18: 'I'll miss you'

87 1 0
                                    

JUNGKOOK's POV

"Love" pagtawag ko kay Lisa but she didn't responded kaya naman tinignan ko sya at bahagya pa akong napangiti ng makita kong tulog na pala sya.

She's so cute...

Naka-patong yung ulo nya sa balikat ko at yung mga kamay nya ay nakahawak sa tyan nya na mas lalo kong ikinangiti, maingat kong inangat ang ulo nya atsaka ko yun inilipat sa hita ko para hindi sya masyadong mahirapan.

Hindi ko tinangal ang paningin ko sa kanya, gumapang naman yung kamay ko papunta sa tyan nya na medyo malaki na din at hinimas-himas ko yun.

"I Love You Both" mahinang bulong ko habang pinapanood ko sya at hinahimas ang tyan nya.

Huminga ako ng malalim... Hindi ko na naman sya makakasama dahil magiging busy ako, kailangan ko kasing asikasuhin yung bagong hotel sa Siargao.

I'll be gone for days or maybe weeks and I am gonna miss my wife and my baby.

Inilihis ko yung mga buhok na naka-harang sa buhok nya atsaka ko sya hinalikan sa nuo nya at pinagpatuloy ang panonood sa kanya natigil lang ng mag-ring ang cellphone ko.

-----Secretary Rosario Calling-----

Agad ko naman yung sinagot dahil baka importante.

"Boss?" tawag nya sa akin ng masagot ko yung tawag.

"Secretary Rosario?"

"Boss where are you? I'm finding you here at the party but you're not here."

"May problema ba? Is there anything urgent? Important?" takang tanong ko.

"W-Wala naman p-po Boss" sagot nya na ikinakunot naman ng nuo ko... then why is she calling?

"I'm on my way home, my wife is already tired and she needs to rest" sagot ko sa kanya.

"Sana Boss niyari nyo na po yung party" Lalong kumunot yung noo ko, it's not really a secretary's business kung nasaan ako, lalo na at ala naman kami sa trabaho... Hindi lang siguro ako sanay na sya ang Secretary ko, i mean lahat kasi ng naging Secretary ko ay nangangaelam sa personal na buhay ko, iba sya eh, ibang iba... I feel like she's so interested in my personal life...

"A-Ah Boss sige na po" sabi nya at hindi pa man ako nakakapag-salita ay pinatay nya na ang tawag.

I never planned hiring her.... hindi sya nakapag-tapos ng college at isa yun sa mga basehan para maging secretary ka. Hindi ko alam kung bakit ko sya na-hire as my secretary, it's just that parang may nakita ako sa kanya, yung attitude nya it's quite similar to my wife, maybe that's why I hired her, at first wala naman talaga akong pakialam sa kanya pero onti-onti kong napapansin na sobrang interesado nya sa akin and I don't know why...

"Sir nandito na po tayo" napatingin ako sa driver...

Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami. Napatingin ako kay Lisa na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog.

"Love" pag-gising ko sa kanya pero kumunot lang ng kaunti ang nuo nya at agad din nawala... napagod siguro sya.

Nauna akong bumaba atsaka ko sya binuhat dahil hindi ko din naman sya magising. Nang mailabas ko na sya sa kotse ay naglakad na ako papunta sa entrance.

"Good evening po sir" bati sa akin ni Nelia na syang nag-bukas ng pinto, nginitian ko lang sya atsaka pumasok na.

Dumeretso na ako sa hagdan... Habang umaakyat ako ay bahagya pa akong natawa, may kabigatan na din kasi sya dahil siguro lumalaki na yung baby namin.

"Mmm" bahagya pa syang umungot at dahan dahang nagmulat ng mga mata nya ako naman ay patuloy lang sa pag-akyat ng hagdan "Were home?" takang sambit nya pa.

"Yup" nakangiting sabi ko "Nagising ba kita?"

"Hindi naman... Bakit hindi mo ako ginising?" tanong nya atsaka ipinalupot lalo yung braso nya sa leeg ko.

"I tried to but you won't wake up and by the way Love... you and our baby our quite heavy" nakangiwing sabi ko at napa-nguso naman sya.

"Tsk, ayaw ko isipin na sinasabi mo na tumataba na ako pero yun yung pumapasok sa isip ko eh" nakangusong sabi nya.

"Mas gusto ko yun Love, You're already pretty and I think you're gonna get even prettier once your tummy is already big"

Nginusuan nya lang ako atsaka lalong sumiksik sa dibdib ko na ikinangiti ko naman. Nang makarating kami sa kwarto ay ihihiga ko na sana sya sa kama pero "Love sa closet muna" utos nya at agad ko naman yung sinunod.

"San kita ibababa Love?" tanong ko sa kanya.

"Wag mo akong ibababa tinatamad ako'ng mag-lakad" dahilan nya na ikinalaki naman ng mata ko "Kung nabibigatan ka edi ibaba mo na ako" mataray na sabi nya sa akin.

"No Love, I'll just carry you" pilit na ngiting sabi ko sa kanya.

"Your choice... Punta ka duon!" utos nya sa akin at naglakad ako papunta dun sa may pinaka-gilid, may mga naka-hanger hanger dun na damit.

Tinangal nya yung pagkaka-pulopot ng braso nya sa leeg ko atsaka hinila yung pantulog nya atsaka muling kumapit sa akin.

"Sa bathroom tayo" muling utos nya, patago pa akong napangisi... she's gonna change clothes...

Pag-dating namin sa bathroom ay "Put me down" Ibinaba ko sya at tumayo lang ako dun at handa ko na syang panoorin na mag-hubad sa harap ko at magbihis sa harap ko that is kung makakapag-bihis pa ba sya--- "Lumabas ka na" utos nya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

"I thought you don't want to walk? I'll wait here then I'll carry you out" palusot ko sa kanya.

"Tsh! Gusto mo lang akong chansingan! And as if hahayaan mo akong makalabas dito sa banyo ng walang nangyayare!" anas nya sa akin.

"Come on Love, magbihis ka na"

"Lumabas ka muna, mag-bihis ka na din" utos nya sa akin at lalo naman akong napa-nguso "Sige na" malambing na sabi nya tsaka ako hinalikan sa pisngi ko atsaka ako tinulak papalabas.

Nang makalabas na ako ay sinara nya na yung pinto at ako naman ay pabagsak na iniupo yung sarili ko sa kama namin. Tsk! I thought i can watch her!

Huminga ako ng malalim at nagbihis na din ako at nahiga na sa kama, maya-maya lang ay lumabas na si Lisa ng Bathroom na naka-bihis at wala ng make-up. Dumeretso na sya sa kama atsaka lumapit sa akin at yumakap.

"Love" tawag nya sa akin.

"Hmm?"

"I'll miss you" malungkot na sambit nya kaya naman napatingin ako sa kanya "Hindi kita makikita ng matagal na naman" nangingilid yung mga luha nya habang sinasabi nya yun.

"Don't cry Love, i promise babalik ako kaagad pag nayari ko yung mga trabaho ko." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi na nga kita nakasama ngayong week na toh tapos aalis ka na naman"

"I'm sorry Love, babalik naman ako kaagad." sabi ko at hindi na sya sumagot at inihiling nya na lang yung ulo nya sa dibdib ko atsaka ako niyakap.

"I Love You" mahinang bulong nya na ikinangiti ko naman.

"I Love You Too Love" malambing na sagot ko sa kanya.

Naramdaman kong nagpakawala sya ng malalim na hininga atsaka lalong yumakap sa akin at ganun din ang ginawa ko sa kanya then we both fell asleep.

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon