Chapter 29: First priority

206 2 0
                                    

LISA's POV

Hindi na ako nagising kagabi at nag-tuloy tuloy na ang tulog ko.

Drain na drain ako at pakiramdam ko pagod na pagod na ako emotionally.

Nakahiga pa din ako, hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko lang ay maliwanag na sa labas.

Gustuhin mang bumangon ng katawan ko ay ayaw naman ng utak ko.

Sobrang linaw at hindi pa din nababawasan yung mga sakit na naramdaman ko kahapon! Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na wag syang iwan.

Alam kong masasaktan ako ng sobra sa desisyon kong yun!

Sana lang talaga ay wala akong pag-sisihan! Sana hindi ko pagsisihan na mas pinili kong hindi sya iwan kasi mahal na mahal ko sya.

Mahal na mahal kita Jungkook, kahit saktan mo ako ay walang magbabago dahil mahal kita at natatakot ako na baka pagsisihan ko din sa huli na iniwan kita.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko pero agad ko din yung minulat ng marinig ko na bumukas yung pinto.

Madilim kaya hindi ko masyadong naaninag kung sino yun pero base sa galaw ay alam ko na si Jungkook iyon.

Hindi pa sya pumapasok sa trabaho nya?

Agad akong napapikit ng masilaw ako dahil hinawi nya yung mga kurtina, nilingon nya ako at parang nagulat pa sya ng makita nyang nakamulat na ang mga mata ko "Good Morning Love" bati nya sa akin na parang wala man lang nangyaring kahit ano sa pagitan namin kahapon.

Hindi ko sya pinansin imbes ay bumangon na ako, pupunta na sana ako sa bathroom ng napahinto ako at napahawak sa tyan ko at ng mapansin yun ni Jungkook ay agad din syang umalalay sa akin.

"Why? May masakit ba sayo Love?" tanong nya sa akin habang nakahawak sa bewang ko, inalis ko yung hawak nya sa akin!

Nagulat lang ako dahil sumipa si Baby JL at imbis na sabihin ko yun sa kanya ay hindi ko sya pinansin imbes ay nagtuloy-tuloy na ako papuntang bathroom.

Wala akong oras para makipag-biruan at plastikan sayo Jungkook dahil naka-ukit na sa puso ko yung mga sakit na pinaramdam mo sa akin.

Habang naghihilamos ako ay narinig ko na bumukas yung pinto at maya-maya lang ay medyo napa-igtad ako ng yakapin nya ako sa magmula sa likod pero hindi na ako nag-abalang lingunin yun.

Pinunasan ko ng towel yung muka ko, akala ko ay bibitawan nya na ako pero hindi pa din! "Bitiwan mo ako Jungkook" utos ko sa kanya.

"Ayaw!" parang bata'ng tanggi nya sa akin.

"Jungkook bitawan mo ako" muling utos ko.

"Tawagin mo muna akong 'Love'" napa-pikit ako sa inis ko sa kanya!

"Jungkook bitiwan mo ako" madiing pag-uulit ko.

Onti-onti nya akong binitiwan at akmang maglalakad na ako palayo ng hawakan nya yung braso ko para pigilan ako, muli ko syang nilingon at hindi ako nag-pakita ng kahit na anong emosyon.

"Lisa, why are you acting like this?" tanong nya sa akin, "You told me you won't leave me right?"

"Ano bang sinasabi mo ha? Sinabi ko na nga na hindi kita iiwan di ba"

"Then why are you acting like this?"

"Acting like what Jungkook?" nalilitong tanong ko.

"Yan, bakit ganyan ka kalamig sa akin"

Kunwari pa akong natawa sa tanong nya na yun "Jungkook sabi ko hindi kita iiwan pero hindi ko sinabi na maibabalik natin yung dating tayo, ginagawa ko to para sa kapakanan ng Anak 'KO'"

"What are you saying, Lisa?"

"Jungkook niloko mo ako, hindi mo alam kung gaano kasakit yun dahil hindi mo pa yun nararamdaman. Niloko mo ako then now your expecting me to act like nothing happen? Kung wala akong anak Jungkook ay iniwan na kita nung nalaman kong niloko mo ako" 

Hindi makapaniwalang tinignan nya ako "Lisa?"

"Jungkook... I Love You" tila naman nag-liwanang yung muka nya dahil sa sinabi ko at akmang sasagot na sya pero inunahan ko sya "Pero hindi ko na alam kung sapat na ba yun para patawarin kita" mapait na dagdag ko atsaka ko sya iniwan duon at lumabas na ng kwarto.

Pag-pasok ko sa kwarto namin ay inilock ko yun at agad akong napa-upo sa sahig ng maramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko atsaka nagsimulang tumulo yung mga luha ko.

Mahal kita Jungkook... Mahal na Mahal kita pero hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin.

Natatakot ako... natatakot ako na baka mangyari ulit yung nangyari nuon sa pagitan namin ni Kallie, she lost her child at ang ginantihan nya ay si Lana, i lost Lana and that was the most painful that has happened to me, hindi ko na kakayanin na mawalan ulit ng isa pa, hindi na ako makakapayag.

"Baby JL, you'll stay with Mommy right?" kausap ko sa tyan ko at napangiti naman ako ng gumalaw sya na parang sinasabi nya na hindi nya ako iiwan.

***

Nandito ako sa Dining, kumakain ako ng lunch. Kahit na walang gana ay kailangan ko pa din toh para sa anak ko.

Napalingon ako sa hagdan ng marinig ko ang mga yabag ni Jungkook pababa.

Mukang aalis sya at mukang nagmamadali pa...

Pero bago sya tuluyang lumabas ay lumapit muna sya sa akin atsaka humalik sa nuo ko at akmang aalis na sana sya ng "Where are you going?" tanong ko sa kanya at tila natigilan pa sya sa tanong ko, hindi sya sumagot "Are you going to her? Pupuntahan mo ba si Samara?" muling tanong ko at lalo syang natahimik.

Pupuntahan nya nga talaga yung babae nya.

"Makaka-alis ka na" walang gana sabi ko sa kanya at nagpatuloy ako sa pag-subo ko.

Naramdaman ko na tinignan nya pa ako pero hindi ko na yun pinansin.

Nang maka-alis sya atsaka ko lang binitiwan yung hawak-hawak kong kutsara at tinidor atsaka ako uminom ng tubig at umakyat na sa taas.

Kailan ba mayayari itong sakit na nararamdaman ko?

Kailan mo ba ako mamahalin ng buong-buo Jungkook, yung walang kahati?

Pakiramdam ko ay ako pa ang kabit sa aming dalawa.

Imbes na ang asawa at anak nya ang first priority ay hindi dahil pakiramdam ko ay mas-mahalaga pa sa kanya yung kabit at anak nya sa labas!

Looks like we're not the first priority anymore...

~TO BE CONTINUED~

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon