Chapter 32: Miscarriage

223 3 0
                                    

LISA's POV

Sabay kaming kumain ni Jungkook at bumalik ulit kami sa higaan pero wala na kaming ginawang milagro at nahiga lang.

At kanina pa ako naiinis sa kanya dahil kanina pa sya aya ng aya sa akin na gawin ulit yun!

Nakasandal ako sa headboard ng kama habang nanonood si Jungkook naman ay naka-dapa at nakapantay ang ulo nya sa tyan ko.

"Baby JL" kausap nya sa tyan ko.

"Gusto mo ba ng kakambal mo? Gusto mo lagyan ka jan ni Mommy at Daddy ng kakambal mo---ARAY!" hinampas ko sya sa braso nya.

"Wag mo nagng turuan yang anak ko ng mga kamanyakan mo" masungit na sabi ko sa kanya.

"Anak pag ipinanganak ka na wag mong gagayahin si Mommy mo na masungit ah" bulong nya kaya naman iniwas ko sa kanya yung tyan ko at nginusuan nya naman ako.

"Tsk Love ang damot damot mo" pagmamaktol nya pero hindi ko sya pinansin "Ayaw mo ako paisahin tapos gusto mo pang sarilihin yung anak natin" dagdag nya.

Hindi ko sya pinansin at nanatili lang ako sa panonood.

"Love" muling tawag nya sa akin kaya nilingon ko sya at binigyan ng nagtatakang tingin "I'm sorry" sinserong sabi nya at kitang kita ko naman yung lungkot sa mga mata nya.

Bumangon ako mula sa pagkakasandal ko at umayos ng upo atsaka ako umakap sa kanya at tumulo na yung mga luha ko.

"I forgive you" bulong ko sa kanya at naramdaman ko naman kung paano humigpit yung yakap nya sa akin.

I can forgive you because I love you and my life wouldn't be complete without you.

"I love you" muling bulong nya at napangiti naman ako.

"Mahal din kita, mahal na mahal"

***

Lumipas ang dalawang araw at bawat segundong nagdaan ay si Jungkook ang kasama ko. Pinapapasok ko sya sa trabaho nya pero ayaw nya dahil gusto nya daw kaming makasama ng anak nya.

Pakiramdam ko ay segu-segundo nyang ipinaparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal at kung gaano ako ka-importante sa kanya, i can't ask for more.

Ramdam at alam ko na bumabawi sya sa akin and that's enough for me, hindi ko pinagsisisihan na pinatawad ko sya.

Napalingon ako sa side table ng mag-ring ang cellphone nya pero hindi nya yun kinuha kaya naman napalingon ako sa kanya at natutulog na pala sya.

Napagod siguro sya dahil nag-punta kami kanina sa Mall para bumili ng mga damit at mga gamit ni Baby JL, nag-order na din kami ng crib, toys at ibang baby stuff na ilalagay namin sa kwarto nya.

Namaty ang tawag pero nag-ring ulit yun at nahihimbing pa din ang tulog ni Jungkook kaya naman niyugyog ko sya para gisingin.

"Love" gising ko habang niyuyug-yug sya.

"Hmm" sambit nya habang nakapikit pa at nahihimbing sa tulog.

"Love wake up, someone is calling you" gising ko ay niyugyog sya ng malakas kaya naman napamulat sya.

"May tumatawag sayo" sabi ko sa kanya, huminga sya ng malalim atsaka bumangon at humalik pa muna sya sa akin bago nya kinuha yung cellphone nya sa bed side table.

Nakita ko kung pano nag-salubong ang kilay nya at tumingin sa akin "Why?" takang tanong ko.

"I-It's Samara" sabi nya sa akin at natigilan pa ako.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon