Chapter 26: Hurt

157 3 0
                                    

LISA's POV

Nag-gagayak ako ngayon para sa checkup namin ng anak ko.

Nahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko at tinitigan yung sarili ko sa salamin... Hindi ko maiwasan na isipin yung mga nalaman ko kahapon lang.

Hindi ko maiwasan itanong sa sarili ko kung ano bang mali sa akin, kung may kulang ba sa akin. Nagtiwala ako sa sinabi nya na hindi nya na ulit ako uulitin pero pakiramdam ko ngayon ay hindi pa kami sapat, hindi pa ako sapat para sa kanya.

Natatakot ako na komprontahin sya dahil baka yun yung maging dahilan para maghiwalay kami.

Gusto kong magalit sa kanila pero mas lamang yung sakit na nararamdaman ko...

Tumulo yung luha ko pero agad ko din yung pinunasan at itinigil ko na din yung mga iniisip ko dahil ayaw kong ma-stress pati baby ko.

Pagkayari ko gumayak ay kinuha ko yung susi ng kotse ko atsaka bumaba.

"Ako na ang mag-mamaneho" sabi ko dun sa driver ko na naghihintay sa labas.

"Pero Mrs Jeon---

"Wag mo na lang sabihin kay Jungkook" hindi ko na sya hinintay pang mag-salita at sumakay na ako sa kotse ko.

Ilang buwan na din ako hindi nagmamaneho dahil pinagbabawalan ako ni Jungkook, hindi naman sa gusto ko syang gantihan sa pamamagitan ng pag-suway ko sa kanya... Gusto ko lang talagang ma pag isa ngayon.

Bago dumeretso sa ospital ay nagpunta muna ako sa cemetery.

Naupo ako sa harap ni Lana. 

"Hi anak... how are you?" I ask.

 I sat properly in front of her gravestone "Meet your little sister or brother Lana" sabi ko habang hinahaplos yung tyan ko.

"Sorry anak kung minsan ka na lang nabibisita ni Mommy" nagsimula ng mamuo yung mga luha ko "Sorry anak kung hindi ka na namin nabibisita ni Daddy, don't worry next time isasama ko sya, busy kasi sya ngayon eh" paliwanag ko sa kanya at tumulo na yung mga luha ko.

"Miss na miss na kita" I said and I started to sob.

Ilang minuto ko pang kinausap yung anak ko bago ako nagpaalam sa kanya.

Nagmaneho na ako papuntang ospital, ilang minuto din ang layo nun at traffic pa kaya naman medyo natagalan ako.

Nang makarating ako sa LJK Hospital ay agad akog dumeretso kay Dr. Salazar.

"Good Afternoon Doc" bati ko sa kanya.

"Good Afternoon Dra. Jeon" balik na bati nya naman sa akin, "Mukang wala ata si Mr. Jeon" dagdag nya ng mapansing wala akong kasunod na pumasok.

Pilit ko syang nginitian "Masyado po kasing busy Doc" paliwanag ko.

"Ah ganon ba. Oh sya sige mag-bihis ka na, hihintayin kita dun sa may ultrasound room" sabi nya sa akin.

Agad naman akong iginiya ng isang babae'ng Nurse papunta sa isang kwarto at duon ako nag-bihis.

Nang makapag-bihis na ako ay dumeretso na ako dun sa may kwarto kung saan ako i-u-ultrasound.

Humiga na ako dun sa stretcher, nagkumot muna ako bago ko itinaas yung suot suot ko na hospital gown.

"So your baby is already 18 weeks, nako 4 months na lang ay lalabas na sya" 

Napangiti naman ako sa sinabi ni Doctora "Hindi na nga po ako makapag-hintay eh" sagot ko naman.

Nilagyan nya na ng Ultrasound Gel yung tyan ko atsaka nya isinet-up yung machine at maya maya lang ay iginagalaw-galaw nya na yun sa ibabaw ng tyan ko.

Pinipigil ko na maging emosyonal habang tinitignan ko yung baby namin at naririnig ko din yung heartbeat nya.

Maya maya pa ay "Do you wanna know the gender Dra. Jeon?"

"Ahm Doc pwede pong isulat nyo na lang kasama nung picture then paki-lagay na lang po sa envelope para sabay po naming malalaman ni Jungkook" I requested.

"Hay nako sige" si Dra.

Ang totoo ay hindi ko din alam kung gusto bang malaman ni Jungkook dahil mukang mas mahalaga pa sa kanya yung anak nung babae nya.

Mabilis lang natapos ang checkup ko kay Dra. Pagkayari nun ay nagpaalam na ako at umalis na.

Nang makasakay ako sa kotse ko ay kinuha ko yung cellphone ko at idinial ko yung number ni Jungkook.

Nanlumo ako ng hindi nya sinagot yun...

Ganon ba talaga sya ka busy kasama yung 'Client' nya at hindi nya man lang ako matawagan para kumustahin yung checkup namin ng anak nya!

Nagsimula nang tumulo yung mga luha ko.

Bakit ba wala akong magawa? Hindi pa ako sapat? Nakaksawa ba ako?

Hindi ko alam kung anong problema sa akin, bakit kailangang maging ganito lahat, bakit kung kailang masaya na ako kasama sya, kung kailan takot na ako na mawala sya sa buhay namin ng anak nya.

Kumusta kaya sila nung anak nya dun sa babae nya? Siguro sobrang saya nila ngayon dahil sila ang inuna ni Jungkook habang ako naman, eto nagmu-mukmok ditp sa sasakyan ko...

Iniiyakan ko na naman yung lalaking mahal ko na maulit ulit lang naman akong sinasaktan.

Ibinagsak ko yung ulo ko sa may manibela ng sasakyan.

"Hindi ko na alam" humihikbing bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung hangaang kailan ako magtitiis, hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan ng ganito.

Kami ba talaga para sa isa't isa? Bakit parang sobrang dami namang nagiging hadlang sa relasyon namin...

Sinusubukan na naman ba ni Tadhana kung gaano katibay ang relasyon namin? Hindi ko alam kung mananalo ba ako laban kay Tadhana ngayon.

Saan na naman nga ba patungo itong relasyon namin?

Bakit hindi na lang sabihin sa akin ni Tadhana na hindi kami ang para sa isa't isa para hindi ako umaasa ng ganito...

Oras-oras, minuminuto kong hinihiling na sana isa lang ito sa mga bangungot ko at gigising din ako...

Gigising ako na ganun lang ulit kami sa dati...

Masaya...

Nagmamahala...

Sweet sa isn't isa...

Ngayon hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa aming dalawa, mag-asawa nga kami pero hindi ko naman na ramdam yun lalo na ngayon at alam at malinaw na sa akin na may kahati kami sa kanya bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari.

Masyado kasi akong naniwala sa pinangako nya sa akin na hindi nya na ako sasaktan pero heto na naman ako at mukang kawawa na umiiyak habang sya ay nasa piling ng iba.

Alam kong may karapatan ako sa kanya pero natatakot pa din ako... Natatakot ako na baka hindi na naman ako ang piliin nya.

Hinihiling ko na sana ay hindi nya na lang ulit anak yung ipinagbubuntis ni Samara pero hindi eh...

Kilala ko si Jungkook at alam ko na nadala na sya sa nangyari at paniguradong pina-DNA at pina-imbestigahan nya na si Samara.

How can a mere Secretary took my husband and my child's father, Why did my husband impregnate a mere Secretary?

I am clearly much more better than her pero bakit nagawa mo pa din akong lokohin Jungkook?! Ano bang nagawa ko para maranasan ko to?

Dahil ba sinubukan kong gantihan yung tao na pumatay sa anak ko nuon? O isa na naman toh na sign para iwan sya?

Naguguluhan, nalilito, naiinis, nasasaktan ako dahil sa mga nalaman at ipinararamdam sa akin ni Jungkook...

I don't know what to do anymore!

~TO BE CONTINUED~

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon