Chapter 17: Party

85 4 0
                                    

LISA's POV

I am preparing para sa party mamaya. I am wearing a Maroon off-shoulder pleated maxi dress, nude block heel sandals nude heels, long gold chain earrings, a gold necklace with maroon emerald pendant, three different gold diamond bracelet and a gold bracelet watch. I fix my hair into a low messy bun and then I fix my make-up. Nag-dala din ako ng Cotton feather coat dahil baka malamig mamaya at inayos ko na din ang bag ko.

Habang inaayos ko yung bag na dadalin ko ay kumatok na si Jungkook sa labas ng closet ko "Love?" pagtawag nya sa akin.

Hindi ko sya sinagot at lumabas na ako ng closet na may ngiti sa mga labi "What do you think?" naka-ngiting tanong ko sa kanya, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"You look gorgeous Love" lalo namang lumawak ang ngiti ko pero agad ding nawala ng "But you're wearing heels Love, baka ma-tapilok ka at madapa"

"Love naman, ang baba ng heels ko oh, don't worry" dahilan ko naman sa kanya, tinignan ko sya na parang nagmamakaawa kaya naman wala na syang nagawa.

Kinuha nya yung dala-dala kong coat at sya ang nag-dala dun, bumaba na kami at naka-handa na sa labas yung sasakyan na sasakyan namin.

Inalalayan nya akong pumasok sa sasakyan. Were both sitting here at the back seat.

Medyo matagal din ang naging byahe namin dahil malayo sa bahay namin yung mansion ng grandparents nya.

Pagdating namin dun ay agad naman akong inalalayan na bumaba ni Jungkook. Naglakad kami papunta sa entrance at agad naman kaming binati ng mga bodyguards na nanduon.

Pag-pasok namin sa loob ay nanduon yung ibang mga bisita at yung iba naman ay nasa backyard dahil may malaking garden dun, bumati lang kami sa iilang mga bisita na nandito sa loob bago kami nag-tungo papunta sa labas.

Nang makarating kami sa labas ay agad naman namin nakuha ang atensyon ng lahat at kanya kanya silang bumati sa amin at ganun din naman kami sa kanila.

"Lisa" tawag sa akin ng Mommy namin ni Jungkook at lumapit sa amin ganun na din sila Daddy at ang Lolo at Lola namin.

Nakipag-beso ako sa kanila at ganun din naman si Jungkook.

"Our Apo is getting big" masiglang sambit ni Daddy na ikina-ngiti ko naman.

"Kailan nyo malalaman ang kasarian ng apo namin?" si Lolo.

"Sa isang buwan po Lo" sagot naman sa kanila ni Jungkook, si Mommy at Lola naman ay hinahaplos haplos ang tyan ko.

"Nako, hindi na ako makapag-hintay na magkaroon ng Apo" si Mommy.

"O sya dun muna tayo sa table dahil baka nangangalay ka na iha" aya sa amin ni Daddy John, Daddy ni Jungkook.

Nang makarating kami sa table ay nagpatuloy lang kami sa pag-ku-kwentuhan, tuwang tuwa naman ako dahil sobrang exited sila, exited na exited na talaga sila na makita ang anak ko.

Habang nag-ku-kwentuhan kami ay lumapit yung Secretary ni Jungkook sa kanya, nandito din pala yung Secretary nya.

Nag-excuse muna sya sa amin bago may ibinulong kay Jungkook at napa-tango naman si Jungkook "I'll excuse myself for a bit, kayo na po muna ang bahala sa asawa ko" paalam nya sa amin, lumapit muna sya sa akin atsaka ako hinalikan sa pisngi bago umalis.

Habang nag-ku-kwentuhan kami ay nahagip naman ng mga mata ko si Jungkook na nakikipag-usap sa isang guess na businessman kasama nya yung Secretary nya.

Medyo matagal din bago bumalik si Jungkook sa table namin, nang makabalik sya ay kasama nya pa rin ang Secretary nya, may ibinilin lang sa kanya si Jungkook bago sya umalis.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon