Chapter 35: Truth

183 0 0
                                    

LISA's POV

"Love someone's calling" sabi ko kay Jungkook ng mag-ring ang cellphone nya.

Nilapitan ko yung cellphone nya at akmang kukunin ko na yun ng unahan nya ako.

Binasa nya muna yung caller ID atsaka nya ako hinarap "I'll just a-answer this Love"

"Sino ba yan?"tanong ko sa kanya.

"O-One of my employee, baka may update sa hotel na pinapatayo namin sa Siargao"

Tumango tango lang ako.

Lumabas sya ng kwarto namin, nag-stay lang ako dito sa kwarto pero maya-maya lang ay nainip na ako kaya naman pumunta ako sa kwarto ni Baby JL.

Umupo ako sa upuan malapit sa gilid ng bintana atsaka ako nag-play ng lullaby.

Maya maya lang ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman dahan dahan akong tumayo sa bangko at medyo nahirapan pa ako.

Malaki na ang tyan ko and two weeks from now manganganak na ako kaya may kabigatan na din si Baby JL.

Lumabas ako at nag tungo sa kusina, dederetso na sana ako ng may marinig ako na hindi ko na lang sana narinig.

"Samara" 

Hindi ko inakala na muli kong maririnig ang pangalan ng babaeng muntik ng sirain ang pamilya ko mula sa labi ng pinaka-mamahal kong asawa.

Napa-atras ako at bumalik na lang sa kwarto.

Tulala ako habang naka-upo sa harap ng salamin.

Akala ko ay tapos na yung sakit at hirap ko, h-hindi ko inaasahan na parte pa din pala sya sa buhay ng asawa ko.

Ano bang espesyal sa babaeng kagaya nya? 

Sa pagkakaalam ko ay mas mataas ako kesa sa kanya at kahit kailan hinding hindi nya mapapantayan yun pero mukang mas nataasan nya ako sa pagmamahal ni Jungkook.

Nawala na ang kaisa-isang rason para mag-stay si Jungkook sa tabi nya at akala ko duon na nag-tatapos ang lahat pero hindi pala.

How can you do this to me Jungkook?

Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

Nalilito na ako. Sino ba talagang mahal mo Jungkook?

Is it me? or is it her?

Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Jungkook sa kwarto at agad na nag-tama ang paningin naming dalawa.

"L-Love? Why? What happened? Why are you crying?" sunod sunod na tanong nya sa akin.

Kung kanina ay lumuluha lang ako ngayon ay may mga kasama na yun na mahihinang hikbi.

Lumapit sya sa akin, umupo sya sa harapan ko "What's going on? Do you want anything? Tell me, what do you want?"

"You" sagot ko at taka naman nya akong tinignan "Ikaw, gusto ko akin ka lang, ayaw ko ng may kahati sayo."

Natigilan sya at naglikot ang mga mata nya.

"Jungkook sinabihan naman na kita diba? Sinabihan na kita, Binalaan na kita na isang lapit mo pa sa kanya ay hindi mo na kami makikita ng anak mo---"

"Lisa please, No. Hindi nyo ako pwedeng iwan"

"Then leave her! Natatakot ka pala na iwan ka namin edi sana pinutol mo na lahat ng ugnayan mo sa kanya!"

"Lisa, just hear me out"

"Sige, explain baka sakaling mag-bago pa ang isip ko, baka sakaling mag-dalawang isip ako sa pag-iwan ko sayo" malamig na sabi ko.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon