Chapter 24: Texts

123 2 0
                                    

JUNGKOOK's POV

Nagulat ako ng pumasok si Lisa dito sa office ko at pabagsak na isinara yung pintuan!

"Lisa?" tawag ko sa kanya.

Naglakad sya papalapit sa akin at padabog na ibinaba yung dala-dala nya.

"Bago pala yung Secretary mo" sarkastiko'ng sabi nya sa akin "Sabi nya nga pala sa akin na may dinala ka daw na babae dito at todo alalay ka pa"  dagdag nya pa.

"Lisa, what are you doing here?" 

"Sino yung babae'ng dinala mo dito na inaalalayan mo?" galit at naluluhang tanong nya sa akin.

I think I know what she's thinking.

Nakita ko kung pano tumulo yung luha nya bago nya takapan yung muka nya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko atsaka ako lumapit at niyakap sya "Hush.." bulong ko sa kanya atsaka ko sya iginiya papunta sa couch at inalalayan syang umupo duon, hindi nya pa din tinatangal yung palad nya sa pagkakatakip sa muka nya, patuloy pa din sya sa pag-iyak dahil naririnig ko yung mga hikbi nya.

"Hey... Love don't cry" pag-aalo ko sa kanya.

"Sagutin mo yung tanong ko" humhikbing sabi nya sa akin.

Huminga ako ng malalim "B-Business Partner sya Love, nahilo sya kaya i-inalalayan ko sya a-at pinag-stay ko m-muna sya dito sa office k-ko" pagsisinungaling ko sa kanya.

Ang totoo ay si Samara yun. Hindi na kami nagkikita pero 2 weeks after ay nagpunta sya dito sa company.

I was so mad sinigawan ko sya nuon then she told me that----

...She's Pregnant.

Hindi ako naniwala, may pinakita syang ultrasound at the pregnancy test, saying that ako yung ama nung dinadala nya.

Paalis na ako nun ng bigla syang nahilo kaya naman inalalayan ko sya papunta sa office ko at hindi ko inakala na makakarating pala yun kay Lisa.

Nag pa paternity test agad kami at nanlumo ako ng makita ko yung resulta... Ilang beses kaming nag pa paternity test at sa iba ibang ospital pa pero lahat ng yun ay nag positive at 99.9% lahat ng yun.

Yung last na punta nya lang sa dito ay nung nakaraang lingoo lang at sinigurado ko na walang nakakita sa kanya dahil ayaw kong may malaman si Lisa... I'm scared, I'm scared to loose her!

Sobrang daming nag-bago simula nung nalaman ko yun. 

Pinanagutan ko yung bata na dinadala nya, nakatira sa isa sa mga resthouse ko na malapit lang din sa company ko, maaga akong umaalis sa bahay at pumupunta sa kanya at bago din ako umuwi ay pinupuntahan ko sya, masyadong sensitive yung  pagbubuntis nya at mahina ang kapit nung bata.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Lisa... Natatakot ako dahil alam kong masasaktan ko na naman sya at baka iwan nya ako.

"Nag-sasawa ka na ba sa akin?" nabalik ako sa realidad ng itanong nya yun sa akin.

"Love... Hindi ako mag-sasawa sayo! Bakit ako mag-sasawa? Your my wife and you the love of my life, hinding hindi ako magsasawa sayo Lisa" sabi ko sa kanya kaya naman naiyak na naman sya at yumakap ulit sa akin.

Ngayon ko lang na-realise na napaka-dami ko palang naging pagkukulang sa kanya. I feel guilty, nagsisinungaling ako sa kanya, niloloko ko na naman sya.

Nangako ako sa kanya na hindi na mauulit yun... sa oras na malaman nya lahat, natatakot ako na umalis sila ng anak namin at mangyari na naman yung nangyari nuon.

I don't want her to leave me...

I don't want to hurt her but here I am, doing what I did to her before...

I'm scared...

I Love Her, but I don't know if that's enough for her not to leave me after what I did.

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya... I don't want to let you go, Love, I Love You so much...

LISA's POV

 From: Samara Rosario
Jungkook, I'll wait for you tonight
MESSAGE RECEIVED

Binasa ko yung ibang message nila at nahinto ako ng may mga nakitang picture.

 From: Samara Rosario
Jungkook! Look! Lumalaki na yung anak natin
MESSAGE RECEIVED

 From: Samara Rosario
Thank you dahil sinamahan mo ako mamili ng gamit ng anak natin.
MESSAGE RECEIVED

 From: Samara Rosario
Wag mong kalimutan yung checkup ni baby mamaya
MESSAGE RECEIVED

May mga picture pa nung tyan nya na medyo may umbok na din... 

Tumulo yung mga luha ko at napatakip ako sa bibig ko para pigilan yung mga hikbi ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko atsaka ko kinuha yung laptop ko at isinaksak dun yung USB.

Tinignan ko yung pinaka-huling message kung anong date at yun din yung date na ipinlay ko dun sa may CCTV footage at ng wala akong makita ay tinignan ko pa yung mga nahuling video hanggang sa makita ko na nga yung inaalalayan sya ni Jungkook papasok sa office nya.

Sunod sunod yung naging tulo ng luha ko at palakas ng palakas yung hikbi ko pero pilit ko pa din yung pinipigilan dahil baka marinig ni Jungkook.

"I-Imposible!" mahinang bulong ko.

Gusto kong hilingin na sana isa lang to sa mga masasama kong panaginip!  

Nangako si Jungkook na hindi nya ako sasaktan! 

A-Akala ko ba mahal nya ako? Akala ko hindi na ulit mauulit!

Kinalma ko ang sarili ko atsaka ako tumayo at ibinalik ko na yun laptop at yung USB naman ay itinago ko, ibinalik ko na din yung sim card sa cellphone ni Jungkook atsaka ko inayos yung muka ko at lumabas na ng closet.

Natutulog pa din si Jungkook kaya naman dahan dahan akong naglakad at ibinalik yung cellphone nya kung saan yun nakalagay.

Dahan dahan akong tumabi sa kanya at isisniksik ko yung sarili ko sa kanya.

Pumatak na naman yung mga luha ko habang naka-yakap ako sa kanya.

Masyado kitang mahal.... Masyadong magiging masakit pag iniwan kita.

Hindi ko ma-imagine yung buhay ko na wala ka, na wala ka sa tabi namin ng anak natin.

Jungkook... Tatangapin ko lahat mahalin mo lang kami, wag mo lang akong iwan, wag mo lang ulit akong saktan, wag lang sya ang piliin mo... Mahalin mo lang ako pabalik ay sapat na sa akin para hindi kita iwan.

Iparamdam mo lang sa akin na ako lang ay hinding hindi kita iiwan.

Kahit ilang pagkakamali pa sabihin mo lang na mahal mo ako ay mahihirapan na akong iwanan ka... pero sa tingin ko hindi kakayanin ng puso ko na makita kang masaya sa piling ng iba, makita kang mag-mahal ng ibang babae bukod sa akin, makita kang nasa tabi ng iba habang ako ay nagluluksa dahil hindi ako, hindi kami ang pinili mo.

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pag-laruan ni Tadhana ako pa... Tayo pa.

Hindi ako nag-sisisi na minahal kita pero pinagsisisihan ko na sobra sobra ang ibinigay ko, umaapaw kaya umaapaw din yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko ilang beses na sinaksak at pini-piraso yung puso ko... 

Jungkook.... Love.... 

I Love You So Much.

I Love You Very Much.

I Love You More Than Enough.

I Hope You'll Love me back as much as how I Love You.

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon