Chapter 13: Lunch for him

80 2 0
                                    

LISA's POV

Nababagot na ako sa kakanood dito sa may living room, kanina pa akong alas otso gising at alas nuebe na ng umaga pero nandito pa din ako.

Hinahaplos haplos ko ang tyan ko, halata na din ang baby bump ko dahil lumalaki na ang baby namin ni Jungkook.

Naiinis ako at wala ako sa mood dahil pag-kagising ko ay wala na si Jungkook dito sa bahay, hindi ako naka-kain ng maayos dahil nabubwisit talaga ako sa kanya.

Sobrang busy nya ngayong linggo na toh, maaga syang aalis at gabi na dadating, minsan hindi ko na sya naabutan sa tabi ko at tulog na ako pag dumadating sya, huwebes na ngayon pero mula kahapon ay hindi ko pa din sya nakikita!

Tumatawag naman sya sa akin pero saglit lang dahil sobrang busy nya! Hindi ko malaman yung schedule nya dahil hindi ko naman kilala yung bagong secretary nya! Gusto kong pumunta dun nung lunes pero nag-aalala ako dahil baka busy sya at maka-abala lang ako!

Naiinis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sofa at padabog na kinuha yung remote at pinatay yung TV.

Kinuha ko yung phone ko atsaka ko idinial yung number nya.

"Hello" tawag ko sa kanya ng sagutin nya.

"Love, Good Morning"

"Morning lang hindi Good!" pagsusungit ko sa kanya.

"Sorry na Love, madami akong kailangan gawin eh" dahilan nya na naman! Palagi na lang ganyan yung dahilan nya naiinis na ako at gusto ko na tuloy umiyak!

"Gaano kadami?" tanong ko sa kanya.

"Madami"

"Aalis ka ba sa company mo? May lakad ka ba sa labas? May meeting ka ba?" sunod sunod na tanong ko habang naka-nguso pa ako.

"Wala naman Love, kailangan ko lang tapusin yung mga papers na tambak dito sa office ko"

"Ahhh" nakangiting sambit ko "Sige, tinanong ko lang."

"Mmm kumain ka na ba?"

"Oo"

"Wag kang mag-pagod Love ha"

"Oo na, palagi mo na lang sinasabi yan" naiinis na sabi ko at napairap pa ako sa hangin.

"Boss nasa labas po ang finance team, papasukin ko na po ba?" rinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya.

Secretary nya siguro.

"Sige papasukin mo na" narinig kong utos ni Jungkook "Hello Love" tawag nya ulit sa akin.

"Osige na mukang may meeting ka"

"Mmm ipe-present lang siguro nila yung nagastos, saglit lang siguro to" sabi nya naman ay tatango tango lang ako.

"Sige na garod, I love you"

"Mmm Bye, I love you too" pagkasabi nya nun ay pinatay ko na ang tawag.

Sabi nya naman mag-i-stay lang sya sa company nya, aha! Pupuntahan ko na lang sya dadalhan ko sya ng lunch tutal naman ay hindi ko na masyadong nagagawa yun.

Tumayo na ako at tsaka ako dumeretso sa kitchen.

"Nelia pakilabas yung mga gulay, pusit atsaka yung pork ribs sa freezer, paki-defrost na din, magluluto ako."

"Anong bangus po Ma'am?"

"Yung boneless please" nakangiting sabi ko at tinanguan nya naman ako.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon