Chapter 7: Lana

137 4 0
                                    

LISA's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng magising ang diwa ko.

Nang tuluyan kong maimulat ang mga mata ko ay agad na bumungad sa akin ang muka ni Jungkook na tulog na tulog pa. Imbis na sya ang maunang magising ay ako pa din, pagod siguro sya sa trabaho tapos pareho pa kaming napagod kagabi.

Nag-init ang muka ko ng maalala ko kung ilang beses nya ako inangkin kagabi. Hayst bat ba ang dumi ang isip mo Lisa!

Dahan dahan kong tinangal ang mga braso nyang naka-palupot sa akin, ng matangal ko yun ay bumangon na ako, nagkalat pa din ang mga rose petals, maging ang mga damit namin ay nagkalat din sa sahig.

Isa-isa kong pinulot ang mga yun habang pinupulot ko ay napatakip ako sa bibig ko, himala ata wala akong morning sickness ngayon, hayst maganda talaga ang umaga ko ngayon!

Kinuha ko yung puting polo ni Jungkook atsaka ako pumasok sa closet para magbihis, nagsuot lang ako ng mga undergarments ko atsaka yung polo ni Jungkook.

Paglabas ko ng closet ay nakatulog pa din sya, napatingin naman ako sa orasan, alas- otso na ng umaga.

Naglakad ako papunta sa kama atska ako naupo sa tabi ni Jungkook, tinitigan ko yung muka nya. Napangiti ako ng maisip ko na sabado pala ngayon, maso-solo ko sya buong araw ngayon kaya naman napa-ngiti ako.

Hay, ang sarap titigan ng muka nya, ang gwapo gawapo ng asawa ko!

Ilang minuto ko din sya tinitigan atsaka ako tumayo at pumunta sa balcony.

Nandun pa din yung mga pinag-kainan namin kagabi, yung mga petals naman ay nagkalat pa din sa sahig. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko na ang sariwang hangin na tumatama sa balat ko, nag-inat inat pa ako.

Pakiramdam ko ay masaya ang buong araw ko ngayon! Ramdam na ramdam ko.

Napa-igtad naman ako ng may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod atsaka ipinatong ang muka sa balikat ko "Good morning Love, ang aga-aga pa pero inaakit mo na ako" natawa naman ako sa biro nya, hinawakan nya ang tyan ko "Good morning baby" bati nya sa baby namin.

Umikot ako papaharap sa kanya "Good Morning Love!" masiglang bati ko sa kanya atsaka ako yumakap sa kanya.

"Mmm mukang maganda ang umaga ng misis ko ah"

"Love, sabado ngayon! Masosolo ka namin ni baby" natawa naman sya atsaka ako hinarap sa kanya at hinalikan ako sa labi.

"I love your lips, it's delicious" sabi nya ng humiwalay sya sa akin ng halik, muli nya akong niyakap at tinugon ko yun atsaka sya bumulong sa tenga ko "But you're down it is so yummy, I want to taste it again Love" nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya, humiwalay ako sa kanya ng yakap atsaka ko sya tinignan ng masama.

"Tsk ang aga aga puro kamayakan na naman yang nasa utak mo!" sigaw ko sa kanya na ikinatawa nya naman, humiwalay ako ng yakap sa kanya atsaka ako pumasok, agad naman syang sumunod sa akin.

Isinuot ko na yung robe ko, ngayon ko lang din napansin na naka-boxer lang pala sya "Mauuna na akong baba, magbihis ka na"

"Mmm" sagot nya sa akin atsaka ako lumabas at isinara ang pinto.

Pagbaba ako ay naabutan ko naman na kayayari lang magluto nila Lila.

"Good Morning" bati ko sa kanila.

"Good morning po ma'am" isa isa nilang bati sa akin.

Tumulong akong mag-ayos ng lamesa at bago pa man akong mahuli ni Jungkook ay huminto na ako dahil paniguradong ma-sesermonan na naman ako.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon