Chapter 5: Surprise

148 8 0
                                    

LISA's POV

Habang nasa-kotse ako ay nagtitipa ako sa cellphone ko, hanggang sa makita ko yung latest na balita about sa company nila Jungkook.

'Jeon Jungkook is the man behind the success of one of the most successful companies international'

Napangiti naman ako, ang hard working talaga ng asawa ko... Tsk ang tanga ko hindi ko man lang na-congratulate, inaway ko pa. Na-gi- guilty tuloy ako!

May naisip naman ako na ideya kaya naman napa-ngiti ako ng todo!

Pag-dating namin sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto, tinignan ko muna kung anong oras na.

'3:30 pm'

Marami pa akong oras para mag-prepare para sa surprise ko kay Jungkook.

Kinuha ko yung Laptop ko atsaka ako um-order limang large bouquet ng red roses, mamayang 5:00 Pm yung deliver nun.

Magluluto muna ako ng kakainin namin atsaka ako mag-aayos ng kwarto after nun ay ako naman ang mag-aayos.

8:00 PM ang out ni Jungkook ng trabaho, bi-byahe pa sya kaya naman mga 8:30 na siguro sya makakarating dito.

Bumaba na ako at dumeretso sa kusina para mag-luto ng dinner namin ni Jungkook mamaya.

"M-Ma'am ang bilin po kasi ni Sir wag kayong---"

"Ngayon lang naman ako magluluto eh" nakanguso kong sabi sa ni Jolene, maid namin "Wag mo na lang sabihin kay Jungkook, akong bahala sayo" sabi ko sa kanya atsaka ko sya kinindatan.

Nagluto ako ng steak para sweet atsaka ako nag-prepare ng chocolate dessert, tapos naglabas din ako ng wine.

Saktong pag-kayari ko ay dumating na yung mga in-order kong red roses.

"Pakidala na lang sa kwarto namin yan Lila please, susunod ako dun" utos ko sa isa sa mga kasambahay namin, tinanguan nya lang ako atsaka sya umakyat papunta sa taas, ako naman ay pumunta sa bathroom.

Binuksan ko yung isa sa mga cabinet dun dahil nandun yung mga scented candles na natira nung nag-honeymoon kami, hahaha nung nayari yung kasal namin ay umuwi kami dito sa bahay at dito nag honeymoon tapos pumunta kami ng Bali, one week lang ang honeymoon namin dun, gusto nya pa ngang ipilit na isang buwan daw ehh pero ayaw ko!

Nang umakyat ako ng kwarto ay nasa kama na yung mga bulaklak, ibinaba ko yung mga scented candles sa lamesa at inilipat ko din dun yung mga bulaklak atsaka ako kumuha ng white na bedsheet, duvet cover at white and red rose colour na pillow cover.

Kumuha din ako ng ng black table cover, dinala ko yun sa may balkonahe ng kwarto namin, may table at dalawang bangkuan kasi kami dun.

Inilatag ko yung table cover sa lamesa at inayos yun, mamaya ko na kukunin at iinit yung pagkain dahil baka pag dumating sya ay lumamig na yun pag inilagay ko yun ngayon dito, atsaka ako naglagay ng isang scented candle sa gitna ng table.

Nag-utos din ako sa isa sa mga driver namin na palitan ng dim light ang ilaw sa balcony.

Kinuha ko yung mga bouquet ng red roses atsaka ako kumuha ng isang basket na medyo may kalakihan atsaka ko isa isang tinangal yung petals nung rose.

Halos isang oras ko ding ginawa yun, pagkayari ko ay lumabas ako sa balcony at tuluyan na ngang lumubog ang araw, isinindi ko yung dim light na pinalagay ko kanina atsaka ako nagkalat ng rose petals sa sahig at sa lamesa.

Pagkayari ko sa balcony ay pumasok ulit ako sa kwarto, atsaka kumuha ng limang pirasong scented candles atsaak ako pumasok sa bathroom dito sa kwarto namin dala dala yung mga kandila at mga petals ng rose.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon